Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi na ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang pinagdaanan nila matapos isilang ang panganay na anak.
Sa bagong YouTube vlog ni Boss Keng, ipinakilala na rin ng mag-asawang vlogger mula sa Team Payaman ang kanilang unico hijo na si Isla Patriel.
Habang nasa check up ay napag-alaman ng dalawa na nagsimula na ang unang yugto ng paglalabor ni Mommy Pat, ibig sabihin ay anumang oras ay maari na itong mag active labor.
Aminado si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng na ninerbyos siya sa sinabi ng doktor, ngunit mas lamang ang pananabik na makita ang kanilang panganay na anak.
Hindi na umuwi ang mag-asawa at diretso na sa ospital upang masiguro ang kalitgasan ni Mommy Pat habang nagla-labor.
Kinabukasan ay lalong tumindi ang pinagdadaanang labor ni Pat kung saan nakakaranas na ito ng maya’t-mayang contraction. Hindi naman nagkulang si Boss Keng sa pag-alalay sa kanyang misis at pagbibigay dito ng lakas ng loob.
“Kaya mo yan, ma! Dito lang ako, ma,” ani Boss Keng.
“Go mommy, kaya mo yan! Positive birth experience!” dagdag pa nito.
Hindi nagtagal ay naipanganak din ng ligtas si Baby Isla Patriel. Hindi na rin napigilan ng mag-asawa maging emosyonal sa paglabas ng kanilang anak.
Pag-uwi sa Congpound ay muling binalikan ni Boss Keng ang tanong kung siya ba talaga ang tunay na ama ni Isla Patriel.
“Grabe dad parang carbon copy mo, hindi mo maipagkakailang iyo’ to!” pag kumpirma ni Pat.
Kalaunan ay ipinakita na rin ng mag-asawang Boss Keng at Pat Gaspar ang kanilang unico hijo.
“Ito ang combination natin,” ani Boss Keng.
“Ito ang magbabago ng aming buhay. Welcome to another chapter of our lives, with Isla Boy!”
Watch the full vlog below:
The energy at SM Center Muntinlupa was electric as the Viyline MSME Caravan kicked off…
Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat ng kanta…
Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…
Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…
The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…
Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…
This website uses cookies.