Yow Andrada Competes With Famous Actor for Team Payaman Moto Club Membership

Matapos ang higit isang buwan na paghihintay, muling nagbabalik sa YouTube ang legendary vlogger na si Cong TV. 

Para sa kanyang bagong vlog, ipinakita ng 31-anyos na content creator kung paano nakipaglaban ang kapwa Team Payaman member na si Yow Andrada para mapabilang sa Team Payaman Moto Club. 

Pero sino nga kaya ang nakatunggali nito para sa natitirang membership slot ng grupo ng riders?

Iniwan si Chairman

Isang araw ay napag-alaman ni Cong TV na iniwan siya ng mga miyembro ng Team Payaman Moto Club para sa isang ride.

Napagalaman din ng Team Payaman Moto Club Chairman na ang bagong salta sa grupo na si Yow Andrada ang pasimuno ng nasabing biyahe.

“Mali ata ako na sinali ko yun ah? Nagpa-plano ng wala ako?” nagtatampong sambit ni Cong TV. 

Labis ang panghihinayang si Cong TV na hindi siya nakasama sa nasabing ride dahil aalis na ito patungong Japan para sa kanilang pre-wedding photoshoot ng fiance na si Cong TV. 

Agad naglabas ng sama ng loob ang Chairman nang makauwi ang kanyang mga kasamahan.

“Magkalinawan nga tayo, bakit kayo umaalis nang wala yung chairman?” ani Cong TV kay Yow. 

“Parang may binubuo kang unyon dito? Parang kapapasok mo lang ah, ako pa ang namilit sayo pumasok sa grupong ito! Bakit ako pa ang iniiwan mo?”  dagdag pa nito. 

Upang mawala ang sama ng loob, niyaya ni Cong ang mga ka-grupo sa isa pang ride, kung saan kailangan makipaglaban ni Yow sa isang pang rider na nais mapabilang sa TP Moto Club. 

Yow vs. James

Kinabukasan, ipinakilala ni Cong TV ang makakalaban ni Yow sa posisyon bilang TP Moto Club member. Ito ay walang iba kundi ang kapwa Maya at Mountain Dew endorser ni Cong na si James Reid

Kabilang si James sa grupong “Club Makina” na nakasama ng Team Payaman para sa isang night ride. 

Kalaunan ay nagkasundo ang TP Moto Club na mas nais nilang makasama sa grupo si James Reid. Ito na nga kaya ang huling ride ni Yow kasama ang mga kaibigan?

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

5 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

8 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.