Agassi Ching and Jai Asuncion Stars in a Rom-Com Short Film, ‘Classmate’

Bilang pagdiriwang ng kanilang ika-apat na anibersaryo, hatid ngayon ng real-life social media couple na sina Agassi Ching at Jai Asuncion, a.k.a JaiGa, ang isang short film na magpapaantig ng iyong puso!

Alamin ang mga dapat abangan sa likod ng “My Classmate,” isang pelikulang pinagbibidahan ng JaiGa at ng mga malalapit na kaibigan nito.

My Classmate: The Making

Sama-samang sinilip ng mga malalapit na kaibigan at solid JaiGa fans ang inihandang pelikula bilang pagdiriwang sa kanilang 4th anniversary. Ang nasabing private screening ay ginanap noong July 11 sa SM North Edsa Skydome. 

Present dito ang ilang Team Payaman members gaya nina Steve Wijayawickrama, Tita Krissy Achino, Clouie Dims, Kevin Hermosada, at Abigail Campañano-Hermosada.

Buong puso na ipinakilala ng social media love team turned lovers ang pelikula para sa kanilang mga taga-suporta.

Bukod sa pagiging karakter ng palabas, personal ding naging direktor ng nasabing pelikula si Aga kasama si Direk Tom Nava.

Labis din ang naging pasasalamat ng YouTube content creators sa nag-uumapaw na suporta sa kanilang private advance screening.

“Still overwhelmed sa lahat ng nangyari ngayon, parang nananaginip padin ako. Maraming salamat sa lahat ng pumunta at sumuporta!” ani Agassi sa kanyang Instagram post.

Source: Agassi Ching Instagram Post

Now Showing!

Ang nasabing maikling pelikula ay patungkol sa dalawang estudyante na sumubok bumuo ng kanilang “love story.”

Ang mga karakter nina Claire Asuncion (Jai Asuncion) at Augustin Lim (Agassi Ching) ang bibida sa nasabing palabas. 

Ngunit ang tanong ng taongbayan, magtatagpo kaya ang kanilang mga nararamdaman at tuluyang magkakaroon ng happy ending? O ito na ba ang palabas na wawasak sa ating mga emosyon?

Source: Agassi Ching YouTube channel

Mapapanood na ang kauna-unahang short film ng JaiGa, ang “My Classmate” sa official YouTube channel ni Agassi Ching!

Manatiling nakasubaybay sa kanilang mga opisyal na Facebook, YouTube, at Instagram accounts para sa mga karagdagang updates sa nasabing pelikula.

Watch the trailer below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

3 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

7 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.