Masayang ipinasilip ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang bagong disenyo ng bahay ng kanyang pamilya sa Trece Martires City sa Cavite.
Ang nasabing bahay ay nagsilbing regalo ni Vien sa kanyang mga magulang at mga kapatid na matagal na aniya nilang pinapangarap.
Sa bagong vlog ng 26-anyos na vlogger sa YouTube, ipinasilip nito ang bagong gawang bahay habang hindi pa kumpleto ang mga kagamitan sa loob.
Unang ipinasilip ni Mommy Vien ang kanilang sala na may maaliwalas at magandang disenyo. Dito makikita ang window blinds mula sa Jhayrose Windows & Blinds Trading.
Ipinagmalaki rin ni Vien ang sunod-sunod na graduation photo nilang magkakapatid pati na ang kanilang mga magulang.
“Lima kaming magkakapatid. Apat na yung mga nakatapos. Congrats naman sa aming mga magulang!” pagbati ni Vien sa kanyang ama.
Ipinakita rin ng ngayo’y mom-of-two ang dinning area at kusina na saktong-sakto sa kanilang pamilya.
Ibinahagi rin nito na gawa sa hardwood ang karamihan sa kanilang mga kagamitan upang mapanatiling matibay ang mga ito.
Sa bawat palapag ay may kanya-kanyang mga kwarto para sa kanilang magkakapatid. Napagdesisyunan ng pamilya na ang mga magulang nito na mananatili sa unang palapag upang maiwasan ang pag-akyat baba pa sa hagdan.
“Kapag matanda na daw kasi dapat nasa baba na lang ng bahay, kasi hindi na daw kaya na kapag matanda, akyat-panaog!” aniya.
Ang pangalawang palapag ay para sa mga babaeng kapatid ni Vien na sina Vianne, Vienna, at ang pamilya ni Vien kung sakaling manatili ito sa kanilang bahay.
Ang ikatlong palapag naman ay para sa mga kuya nitong sina Kuya Kiko at Kuya Ferdi. Dito rin matatagpuan ang maluwang na terrace o balcony ng nasabing bahay.
Matapos libutin ang kanilang bagong tahanan, ipinasilip din ni Mommy Vien ang ilan sa mga pinamili nitong kagamitan para sa kanilang bagong bahay.
Watch full vlog below:
Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
This website uses cookies.