Tila nagtatampo na ang milyun-milyong YouTube subscribers nina Cong TV at Viy Cortez, dahilan upang magpaliwanag ang dalawa sa social media.
Mahigit isang buwan na ang nakakaraan nang huling mag upload ng vlog ang tinaguriang YouTube power couple ng Team Payaman. Matatandaang lumipad patungong Japan ang dalawa noong Hunyo para sa kanilang pre-wedding photoshoot.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Viy Cortez ang hinaing ng isang netizen na naglabas ng sama ng loob dahil sa tagal ng bagong upload ng YouTube power couple.
“Enjoy Viy and Cong. Wag na kayo magvlog mukhang kinalimutan niyo na mga viewers nyo. Mas ok na wag na din kayo magpost or mag update,” kumento ng isang netizen.
“Pangatawanan nyo na mukhang di nyo naman ata kelangan mga viewers nyo. Habang gusto kayo mapanood sa vlog lalo nyo tinatagalan,” dagdag pa nito.
Tila nagbanta rin ito na mag unsubscribe sa YouTube channel ng mga iniidolong vlogger kung hindi pa mag-uupload ng bagong vlog ang mga ito.
“UNSUBSCRIBE is the best revenge. Baka sakaling makaramdam.”
Pabiro namang sinagot ni Viy Cortez ang nagtatampong fan at tinag pa ang kani-kanilang video editors na sina Carlo Santos at Ephraim Abarca.
Paliwanag ng 26-anyos na vlogger, higit dalawang linggong raw files ng videos ang binubusisi ng kanilang mga editor upang mabigyan ng kalidad na YouTube vlog ang mga manonood.
“Pero guys worth it lahat ng paghihintay nyo sa Japan vlog namin. Wag na kayo magtampo,” dagdag pa ng VIYLine CEO.
Sa comment section ng nasabing post, humingi rin ng paumanhin si Cong TV sa kanilang mga subscribers.
“Sensya na inaayos lang para apat na sunod sunod sana. kesa paisa isa na isang linggo. hirap din mag labas ng basta basta kasi mataas na standard ng mga nanonood ngayon. pero malapit na to pramis. di rin ako masaya pag pangit yung vlog,” ani Cong TV.
Samantala, humingi din ng kaunti pang oras ang video editor ni Viviys para mabigyan ang mga manonood ng dekalidad na content.
“Lapit na guys, trying our best para mapanuod niyo din yung best version,” komento ni Carlo Santos.
Bagamat sangayon ang ibang netizens sa paliwanag nina Cong at Viy, nanaig pa rin ang pangungulila ng mga ito sa kanilang mga vlogs.
Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys,…
It is no secret that Team Payaman’s Vien Iligan-Velasquez is one to look out for…
Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez hatid ang ika-limang episode ng…
Matapos ang buwis-buhay na content sa Cebu, kaabang-abang na naman ang bagong vlogs na inihahanda…
After a successful run in Quezon City, the Viyline MSME Caravan officially launched its 7th…
It’s official! The biggest influencer event — Team Payaman Fair — is set to bring…
This website uses cookies.