Chef Enn Goes on a Quick Solo Ride in Pangasinan

Isa na namang probinsya sa norte ang binisita ng resident chef ng Team Payaman na si Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn dala ang kanyang motorsiklo.

Bukod sa kanyang mabilis na bakasyon, nagbahagi rin ng ilang recipe si Chef Enn na swak sa isang rainy day escapade!

Chef Enn Goes To Pangasinan

Ibinahagi ni Chef Enn sa kanyang bagong vlog ang naging paglalakbay nito mula Bocaue, Bulacan hanggang sa Salt Capital of The Philippines, ang Pangasinan.

Excited nitong ibinalita na mag-isa muna siyang maglalakbay upang mas maraming aktibidad ang magawa nito sa kanyang maikling bakasyon.

Matapos ang ilang oras, narating na rin ni Chef Enn ang bayan ng Calasiao, Pangasinan. Una nitong binisita ang simbahan ng Saint Peter and Paul Parish.

Nang makaramdam ng gutom, dumeretso agad ang kusinerong vlogger sa kalapit na karinderya at agad na nagbigay ng hatol o food review sa kanyang mga na-order.

Matapos kumain ay dumeretso naman si Chef Enn sa isang palengke upang mamili ng mga kakailanganin para sa kanyang lulutuin.

Ilang pihit pa ay narating na rin ng mga kasamahan ni Chef Enn ang sikat na Bolinao Falls na kilala sa malinaw na tubig at kakaibang anyo ng mga bato.

“Tara na, ligong ligo na ako,” biro ni Chef.

Matapos magtampisaw, sunod na inabangan ng grupo nina Chef Enn ay ang pagpatak ng dapithapon upang matunghayan ang paglubog ng araw.

“Una sa lahat, ang ganda dito sa Pangasinan. At kung tatanungin n’yo ko kung babalik ako dito, mag-eexplore pa ako ng maraming lugar dito!” 

Rainy Day Recipe

May handog din na recipe si Chef Enn na saktong-sakto para sa inyong susunod na rainy day trip!

Dahil hindi mawawala sa uso ang pagtatampisaw sa dagat, hatid nito ang ilang seafood recipe na pwedeng gayahin kung ikaw ay nasa bakasyon.

Una na rito ang Grilled Yellow Fin na sinimulan sa pagbababad sa oyster sauce, bawang, at pinainit na margarine. Matapos i-marinate ay pwede na itong ihawin o hindi kaya’y prituhin.

Sunod ang Garlic Butter Shrimp recipe na sinimulan sa pagpapainit ng margarine at paggisa ng bawang. Sunod na inihalo ni Chef Enn ang hipon upang manuot ang sabaw ng bawang, margarine, at oyster sauce. 

Kakaibang twist naman ang ginawa ni Chef Enn sa kanyang Garlic Butter Shrimp dahil nilagyan n’ya ito ng sili at pinya. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Yow Andrada Gets Real on His Life at Congpound and the Rumors About Him

Sa gitna ng mga espekulasyon at tanong kung bakit tila bihira na siyang makita online,…

15 hours ago

Strong Mind Foundation Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

16 hours ago

Shop Quality Pre-loved Items and Score Viyline Products For Less

Yes, you read that right! Your favorite Team Payaman members are selling their well-loved fashion…

17 hours ago

Miguelitos Ice Cream Philippines Opens First-Ever Outdoor Trailer Branch in Alabang

Miguelitos Ice Cream Philippines proudly unveiled its first-ever outdoor trailer branch in Molito, Alabang on…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez, Kakai Bautista, and Ethel Booba Explore The Life of Being a Vendor

Puno ng good vibes ang bagong vlog na hatid ng Team Payaman vlogger na si…

5 days ago

TSUPER DAD: Team Payaman’s Junnie Boy Attempts Family Vlogging

Tampok sa unang kabanata ng bagong ‘TSUPER DAD’ serye ng Team Payaman member na si…

5 days ago

This website uses cookies.