Adam Navea Shares a Day in the Life of Team Payaman Moto Club Members

Another day, another motorcycle stories ang hatid sa atin ng Team Payaman Moto Club. 

Para sa kanyang bagong YouTube video, ipinasilip ni Adam Navea ang isang araw sa buhay ng Team Payaman riders kung walang biyahe ang mga ito. 

Movid 2023

Dahil sa tindi ng pagkahilig ng ilangTeam Payaman boys sa pagmomotorsiklo, inamin ni Adam Navea na tila nagiging pandemya na ito sa kanilang magkakaibigan. 

Bagamat walang naka-schedule na biyahe ang grupo, minabuti naman ng mga ito na gugulin ang kanilang araw sa pagsasaayos ng kani-kanilang motorsiklo. 

“Bago yung clutch lining ko, bago lahat, pero yung brief ko butas-butas! Ni deodorant wala na kong pambilI! biro ni Adam.

Sagot naman ni Mentos: “‘Di bale nang tayo yung pumutok, ‘wag lang yug motor!”

Kasabay ng “upgrade day” ay ang pagbisita ng kanilang mga kaibigan mula sa MotoCentric Philippines na tutulong upang mas mapaganda ang kanilang mga motorsiklo

Samantala, pinangako naman ni Adam sa kanyang mga subscribes na dadalasan nito ang pag-upload ng moto vlogs. Magsisilbi din aniya siyang advance team sa mga tatahaking biyahe ng grupo at tiniyak na ibabahagi ito sa kanyang manonood. 

Team Payaman inspiration

Samantala, sa gitna ng kanilang diskusyon tungkol sa motor ay ibinahagi ni Sir Johar mula sa MotoCentric Philippines kung bakit hindi sya nagdalawang isip na tulungan ang TP Moto Club. 

Ayon kay Johar, isa siyang self-confessed Team Payaman fan at isa sa mga napasaya ng vlogs ng mga ito.

“Kaya nandito ako kasi gusto kong sumuporta kay Cong TV, kasi kayo yung nagpasaya sa’kin noong times na may dark times (sa buhay ko). So I’m here to give back lang kasi nakikita ko kung paano kayo nagpapasaya ng ibang tao,” ani Johar. 

Bilang pasasalamat sa grupo ay namigay si Johar ng safety riding gears sa Team Payaman Moto Club members. Kabilang sa mga pinamigay nito ay riding pants, riders travelers bag, jacket, at iba pa. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.