Fan Hand-Crafted Personalized Helmet for Cong TV

Pumalo na sa higit 4.2 million views sa Facebook ang video ni Jose Guanzon, na gumawa ng isang 

customized helmet para sa Team Payaman Headmaster na si Cong TV.

Alamin ang istorya sa likod ng kakaibang disenyo ng helmet ng Team Payaman Moto Club Chairman. Ano nga ba ang inspirasyon sa likod nito?

The Process

“Hindi tumitingin si Cong TV sa presyo kung hindi sa design. Gusto n’ya lagi s’yang naiiba at unique!” bungad ni Jose Guanzon, isang video creator sa social media.

Ayon kay Jose, naisipan nitong gawan ng kakaibang disenyo ng helmet si Cong TV dahil sa personalidad nito na mahilig sa kakaibang disenyo ng mga bagay-bagay.

Dagdag pa ng nasabing content creator, isa sa mga rason kung bakit nais niyang gawan ng personalized helmet si Cong dahil napansin niyang halos pare-pareho ang disenyo ng helmet ng bawat miyembro ng TP Moto Club. 

“Ang goal natin sa vlog na ‘to ay matapos ang customized helmet at maibigay kay Boss Cong upang malaman kung ma-appreciate n’ya ito kahit mas mura lang kumpara sa helmet n’ya ngayon,” aniya.

Unang naghanap ng mura ngunit kalidad na helmet si Jose Guanzon. Napagdesisyunan nitong bilhin ang LS2 na brand ng helmet, na mas mura kaysa sa Shoei Helmet ni Cong TV.

Nakipag tulungan naman si Jose Guanzon kay Guhit Jes, isang kilalang artist sa social media sa pagdidisensyo at pagguhit ng mga elemento para sa nasabing helmet.

Ipinasilip ng mga ito ang naging proseso sa pagdidisenyo ng bagong helmet magmula sa pagliliha, pagpipintura, at pagguhit.

Unang ginuhit ni Jes ang mukha ng fiancé ni Cong TV na si Viy Cortez at saka sinundan ng pagguhit ng mukha ng anak nitong si Kidlat.

Matapos ang ilang sandali ay sinimulan na rin nito ang pagpinta ng kanyang mga ginuhit upang bigyang kulay ang helmet ni Cong TV.

Laking tuwa ng mga ito nang makita na ang finish product ng personalized helmet ni Cong TV.

“Ang gandaaaa!” reaksyon ng ilang solid Team Payaman fans.

The Reveal

Hindi rin pinalampas ng vlogger na ipakita ang buong disenyo ng pinaghirapang customized helmet para sa iniidolong si Cong TV.

Nais ni Jose Guanzon na personal na maibigay kay Cong TV ang kanilang pinaghirapang customized helmet upang personal ring makita ang reaksyon nito.

Ano ang hatol n’yo mga kapitbahay? 

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.