Vien Iligan-Velasquez Joins Team Payaman Moto Club’s Pangasinan Ride

One of the boys ang peg kamakailan lang ni Team Payaman vlogger Vien Iligan-Velasquez matapos sumama sa Pangasinan ride ng Team Payaman Moto Club. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 26-anyos na vlogger ang naging karanasan sa unang beses na pagsama sa long ride ng kanyang asawang si Junnie Boy

Pangasinan Loop

Ala una pa lang ng madaling araw ay naghanda na si Mommy Vien para sa isang mahaba-habang biyahe kasama ang mister. 

Ayon kay Vien, siya mismo ang nagyaya kay Junnie na pumasyal gamit ang bagong motorsiklo nito. 

“Nagyakag talaga ako kay Daddy. Sabi ko sa kanya ‘dalhin mo naman ako sa hindi mo napupuntahan, hindi yung sa napupuntahan mo na lagi,” ani Vien.

Kwento niya, noong una ay plano nila na silang dalawa lang ang mag-biyahe, ngunit niyaya na rin ni Junnie ang iba pang kasamahan sa Team Payaman Moto Club.

Suot ang kanilang complete riding gears ay tinahak na ng grupo ang kanilang destinasyon. Target nila makapagsimba sa The Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag sa Pangasinan.

Pagdating sa nasabing simbahan ay kanya kanyang dasal ang grupo at nag tirik din ng kandila para sa kanilang mga intensyon. 

Message to fans

Samantala, humingi naman ng dispensa si Vien Iligan-Velasquez sa mga hindi nila napagbigyan na magpa-picture habang nasa simbahan.

“Dahil talaga pong nahihiya kami dahil agaw atensyon sa mga nagdadasal. Gusto talaga namin pumunta doon para magdasal, humingi ng pasalamat,” ani Vien. 

Dagdag naman ni Junnie Boy: “Hindi naman kami tumatanggi sa mga normal na ano (picture), pero kapag ganon picture-an kay Jesus o di kaya kumakain, medyo tumatanggi talaga kasi nakakahiya siya.” 

“Mahal na mahal namin kayo, pasensya na talaga,” pahabol ni Vien. 

Bago umuwi ay tiniyak ng grupo na makabili ng munting pasalubong para sa kanilang mga kasamahan sa Congpound. 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

5 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

9 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.