Matapos surpresahin sa kanyang kaarawan, hindi pinalampas ni Aaron Macacua a.k.a Burong, na bumawi sa fiancé nitong si Aki Angulo.
Saksihan ang nakakakilig at hindi malilimutang surpresa ng soon-to-be-wed couple ng Team Payaman!
Ibinahagi ni Burong sa kanyang bagong vlog ang naging paghahanda nito para sa surpresa sa nobyang si Aki Angulo.
Sinama ni Burong ang kaibigan na si Boss Keng sa Mobile Cart PH upang bumili ng bagong cellphone na ireregalo kay Aki para sa kanilang anibersaryo.
Ang Mobile Cart PH ang pinagkakatiwalaang Apple product reseller ng buong Team Payaman, kung kaya’t hindi na nagdalawang isip si Burong na bumalik dito.
Ayon kay Burong, siguradong magugulat ang kanyang nobya sa nasabing sorpresa dahil ilang buwan nang pinaplano ni Aki na bumili ng bagong iPhone.
“Ilang araw na, ilang linggo, pang isang buwan na nga ata. Gusto n’ya kumuha ng iPhone,” kwento ni Burong.
Muntik na rin mabulilyaso ang kanyang plano dahil sa natanggap na mensahe mula kay Aki na pupunta na ito sa mall upang bumili ng bagong cellphone.
Upang mapigilan ang binabalak ni Aki, naisipan ni Burong na kunwari ay awayin ito para matagumpay ang kanyang plano.
Nangamba naman si Boss Keng sa mararamdaman ni Aki dahil sa mga mensaheng ipinadala ni Burong sa nobya.
“Isusurprise naman natin s’ya ng bagong cellphone at Airpods max!” depensa ni Burong.
Matapos bisitahin ang physical store ng Mobile Cart PH, agad na dumeretso si Burong sa kanyang nobya para surpresahin ito.
“Huwag ka nang bumili ng cellphone kasi… binilhan na kita ng cellphone!” bungad ni Burong kay Aki.
Dagdag pa nito: “Binilhan na kita ng iPhone 14 para ‘di ka na bumili! At hindi lang ‘yan love, may anniversary gift ako sa’yo! Airpods max!”
“Oh my, God! Ang dami mong gift!” reaksyon ni Aki.
Watch the full vlog below:
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.