Sinurpresa ng ilang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, a.k.a Burong, sa isang “Marites-themed party” para sa kanyang kaarawan.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Clouie Dims ang naging pagdiriwang ng kaarawan ng Burong sa Content Creator House.
Ayon sa housemate at kapwa vlogger ni Burong na si Clouie Dims, naisipan ng fiance ni Burong ang kakaibang tema ng party dahil chismoso diumano ang celebrant.
“Dahil chismoso yung may birthday, ayun na yung theme talaga. Si Aki na nag-isip, ‘The Chismosa Theme Birthday’,” ani Clouie.
Bagamat walang inihandang party games, kailangan magbihis ng daster ang mga kalalakihan sa Content Creator House. Kabilang sa mga nakiisa sa “Chismosa Birthday Party” ni Burong ay sina Steve Wijayawickrama, Kevin Hermosada, Dudut Lang, Cyril Factor, at Joshua Maypa.
Pagdating ng birthday boy ay nagpakita ng biglaang dance number ang mga “kumars” ni Burong.
Kinantahan din ng grupo si Burong at saka nagsalo-salo sa isang masarap na kainan.
“Birthday na ni Mare, Birthday na ni Mare! Birthday, ni mare, ngayon! Get get aw!” kanta ng grupo.
Ikinatuwa naman ni Burong ang munting surpresa ng kanyang mga kasamahan sa bahay.
“Maraming maraming salamat mga mars! Sa mga nagpunta sa aking birthday, tinupad nyo ang aking kahilingan,” ani Burong.
“Ang wish ko sa mundo ay sana ay dumami pa tayo,” biro pa nito.
Matapos ang selebrasyon ay tila enjoy na enjoy pa rin ni Dudut ang pagsusuot ng daster at hindi agad ito hinubad.
“Wow! Parang housewife!” biro ni Clouie sa kanyang nobyo.
Nang tanungin ni Clouie kung ano ang pakiramdam nito sa kanyang OOTD, inamin ni Dudut na kumportable itong suotin.
“Malamig, presko, tapos parang ang sexy ko!” biro ni Dudut.
Dagdag naman ni Kevin: “Ang sarap kasi sa pakiramdam, ganun pala yung pakiramdam nyo!”
Watch the full vlog below:
The energy at SM Center Muntinlupa was electric as the Viyline MSME Caravan kicked off…
Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat ng kanta…
Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…
Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…
The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…
Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…
This website uses cookies.