Bago tuluyang ikasal ang Team Payaman couple na sina Aaron Macacua, a.k.a Burong at Aki Angulo, binigyan sila ni Carding Magsino ng ilang kaalaman tungkol sa pagpapakasal.
Habang papunta ang mga ito sa airport para sa kanilang bakasyon sa Bali, Indonesia, hindi napigilan ng mag-nobyo na mamangha sa kaalamang hatid ni Carding.
Sa bagong YouTube vlog ni Carding, ibinahagi nito ang ilan sa mga kaalaman tungkol sa pagpapalit ng apelyido ng babae matapos ikasal.
Bago ang lahat, isiniwalat ni Aki ang totoong pangalan ni Burong sa kanyang mga kasamahan sa Congpound.
“Ang pangalan n’ya sa NBA, Aaron Max,” pagbunyag ni Aki.
“Kaunti na lang, magiging ano ka na… Aki Max! Parang iPhone,” biro ni Carding.
Pinasadahan muna ni Burong ang usapan sa kanyang kaalaman tungkol sa pagpapalit ng apelyido ng babae.
“Kung hindi n’yo nalalaman, Republic Act of 1249 of Elpidio Quirino. Sabi n’ya kasi nung araw, sinakop tayo ng Kastila, Hapon at Amerikano. Sa Amerikano, ginaya natin ‘yun!” taas noong sabi ni Burong.
Pero ayon kay Carding may karapatan si Aki at ang lahat ng mga kababaihan na hindi palitan ang kanilang mga apelyido.
Ibinahagi rin nito na nagsimula ang pagkakaroon ng apelyido noong nagsimulang idugtong ang titulo ng propesyon sa mga pangalan.
Ayon kay Carding, kung ang isang tao ay may apelyidong Smith, marahil sila ay isang blacksmith.
“Doon nagsimula magka-apelyido yung mga tao kasi nga sobrang dami na nila, hindi na nila masabi, hindi na nila matukoy kung ano ba talaga,” paliwanag ni Carding.
“Ah kaya pala may Waiters!” pagtatanto ni Burong.
Coverture naman aniya ang tumutukoy sa batas kung saan napapalitan ang apelyido ng isang babae mula sa kanyang pagkadalaga dahil nagiging kargo na s’ya ng kanyang mister matapos ang kasal.
“Ibig sabihin pag may hindi nagawang maganda yung babae, ang babae at lalaki ay iisa na lang, yung lalaki ang mananagot,” ani Carding.
“Parang nasa ilalim ka ng pakpak nya, kaya dadalin mo yung apelyido nya,” dagdag pa nito.
Watch the full vlog below:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.