Vien Iligan-Velasquez Proudly Shares Glimpse of Newly-Renovated House for Parents

Isa sa mga pinakamasayang pakiramdam para sa isang anak ay ang masuklian lahat ng pagmamahal, sakripisyo, at paghihirap ng mga magulang. 

Kaya naman proud na ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang mga manonood ang munting bahay na naipundar nito para sa kanyang mga magulang at mga kapatid. 

Sa isang mini-vlog sa TikTok, ipinasilip ng 26-anyos na vlogger ang kinalabasan ng pagpapaayos nito ng kanilang bahay sa Cavite. 

Forever Home

Ayon kay Vien, makalipas ang halos walong buwan ay patapos na rin ang renovation at construction ng kanilang bahay. Ito ang kinagisnang tahanan ni Vien kasama ang kanyang mga kapatid. 

“Hindi ko inexpect na ganito yung magiging itsura ng bahay namin, hindi ako makapaniwalang bahay namin yan,” ani Vien. 

Ipinasilip nito sa netizens ang day and night view ng kanilang modern minimalist house na mayroong tatlong palapag. Pagpasok sa unang palapag ay makikita ang kanilang living room, dining area, at kitchen. 

Ayon kay Vien ang sala ang pinaka paborito nyang parte ng bahay kung saan naka-display ang graduation pictures nilang magkakapatid pati na rin ng kanilang mga magulang. 

“Ipapa-restore din namin yung nga grad pics nila mama para magkakaparehas din kami ng frames,” pagbabahagi ni Vien. 

Ang ikalawa at ikatlong palapag naman ng bahay ng pamilya nina Vien ay mayroon balcony kung saan plano daw nilang tumambay at magsalo-salo.

Ibinahagi rin ng misis ni Junnie Boy na magkakaroon sila ng house blessing sa darating na July 11, kasabay ng kaarawan ng isa sa kanyang mga kuya.

Gastos Reveal

Samantala, sinagot din ni Vien Iligan-Velasquez ang tanong ng netizens kung sino ba ang gumastos sa pagpapaayos ng nasabing bahay. 

Paliwanag ng tatay ni Vien, tinulungan din nila ang anak sa ibang gastusin upang makumpleto ang mga gamit sa bahay.

“Yung construction ng bahay sa iyo, yung mga add ons ng mga tangke, mga lutuan, sa amin na yon,” ayon sa ama nito.

Pero dagdag ni Vien, lahat silang magkakapatid ay may sari-sariling kwarto sa nasabing bahay.

“Lahat yon para sa amin,” ani Vien. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

3 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 days ago

This website uses cookies.