Burong Celebrates Birthday in Bali, Indonesia with Fiancé Aki Angulo

Ipinagdiwang ng Team Payaman vlogger na si Aaron Macacua, a.k.a. Burong, ang kanyang kaarawan sa labas ng bansa kasama ang fiancé nitong si Aki Angulo.

Kaliwa’t kanang hindi malilimutang adventure ang naranasan ng soon-to-wed couple sa kanilang out of the country trip. 

BurAki Goes To Bali

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Burong ang kanilang naging paglalakbay patungong Bali, Indonesia upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Ala-una pa lang ng madaling araw ay bumyahe na papuntang airport sina Burong at Aki para hindi mahuli sa kanilang flight.

Ayon kay Burong, pang-apat na bansa na ang Indonesia sa kanyang mga mabibisita kung kaya’t excited na ito sa kanilang Bali trip.

Ilang oras pa ay lumapag na ang kanilang eroplano at agad na binisita ang UC Silver Gold upang tumingin ng mga ginto. 

Sunod nitong binisita ang planta ng kape kung saan nalaman nila ang proseso ng pag-angkat at paggawa nito.

Nabigyan din ng pagkakataon ang mag-nobyo na masubukan ang ilan sa mga paraan ng paggawa ng kape sa Bali.

Hindi rin nito pinalampas na makakuha ng mga Instagram-worthy shots na kanilang ipinasilip sa mga manonoood.

Day 2

Sunod na binisita nina Burong at Aki ang Holy Springs of Tirta Empul, kung saan nagbigay pugay ito sa pamamagitan ng pagsuot ng pambansang kasuotan ng mga taga-Indonesia.

Nusa Penida naman ang sunod na pinuntahan nina Burong at Aki, kung saan game na game itong sumugod sa init ng araw upang masilayan ang ilan sa magagandang beach sa Bali.

Day 3

Sa nasabi ring vlog ay ipinasilip ni Burong kung paano nito ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa Bali.

Sa kanilang pangatlong araw, buong galak na dinala ni Burong ang mga manonood sa kanyang first-ever motorcycle ride sa Indonesia.

Angkas ang nobyang si Aki ay nagtungo ang dalawa sa isang restaurant upang kumain ng almusal.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.