Yiv Cortez Challenges Cute Nieces in a Fun Q&A Portion

Habang nasa gitna ng family reunion, naisipan ni Yiv Cortez na kilalanin ng mas mabuti ang mga pamangkin nito sa pamamagitan isang masayang Q&A portion.

Ibinahagi rin ni Yiv ang kanyang hindi malilimutang karanasan sa pag unbox ng pinapangarap na lightstick mula sa kanyang paboritong K-Pop group na TWICE.

Q&A with Kiddos

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Yiv Cortez ang bonding moment nito kasama ang mga pamangkin na sina  Sam at Liyah – ang mga anak ng kanyang Ate Ivy Cortez-Ragos.

Sinimulan ni Yiv ang kanyang tanong sa kung sino ba ang paboritong magulang ng mga ito sa pagitan ng kanilang Mommy Ivy at Daddy Jeff. 

“Mommy at daddy!” sagot ni Liyah at ipinaliwanag na “pinakalove” nito ang kanyang Mommy. 

Nahirapan din ang mga ito nang tanungin ni Yiv kung sino ba ang paborito nilang Tita sa pagitan niya at ng kanyang ate Viy Cortez.

“Dalawa!” sagot ni Samsam.

Samantala, ibinida rin ni Liyah na siya ay kasalukuyang nag-aaral bilang Grade 5 student habang si Samsam naman ay marunong nang kumanta ng Alphabet Song.

Walang pag-aalinlangang inamin ng magkapatid na hindi nila maiwasan ang pag-aaway ngunit ang nagpa-antig sa damdamin ni Tita Yiv ay ang kusang paghingi ng tawad ng bunsong si Samsam sa kanyang ate.

“Pero sabi ni Mommy, ang sabi n’ya, mag-sorry ka sa ate mo” kwento ni Samsam.

Ibinida rin ng mga ito na pangarap ni Liyah na maging arkitekto habang si Samsam naman ay pangarap na maging isang guro.

Candy Bong Unboxing

Sa nasabi ring vlog ay sinama ni Yiv ang kanyang mga manonood sa pagbubukas ng kanyang pinapangarap na lightstick ng KPop Group na TWICE.

Hindi mailarawan ang kilig na naramdaman ni Yiv bago tuluyang buksan ang kanyang special package.

“Teka lang nanginginig na ako, hindi ko pa matanggal!” bungad nito.

Labis ang tuwa ni Yiv nang mabuksan na ang kahon ng kanyang candy bong. Dahil dito mas lalong nag-umapaw ang saya at excitement nito para sa nalalapit na concert ng grupo dito sa Pilipinas.

“Oh my gosh, it’s so beautiful! Ang ganda!” reaksyon nito.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong Clothing Rebrands as ‘Team Pymn’, Drops New Shirt and Cap Collection This January

Team Payaman fans are in for a treat with fresh merch dropping this January from…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Visit Fellow TP Members’ New Home

Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Levels Up Merienda With Tuna

Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…

3 days ago

Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…

3 days ago

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

5 days ago

This website uses cookies.