LOOK: Pat Velasquez-Gaspar Stuns in her Maternity Photoshoot

Sa huling buwan ng kanyang pagbubuntis ay hindi pinalampas ni Pat Velasquez-Gaspar ang pagkakataon upang magkaroon maternity photoshoot. 

Dahil ito ang unang beses na magdalang tao, minabuti ng soon-to-be mom na magkaraoon na magagandang larawan na magpapaalala ng kanyang pagiging ina. 

Maternity Photoshoot

Sa kanyang bagong vlog ay ipinasilip ni Pat Velasquez-Gaspar ang mga kaganapan ng kanyang unang maternity photoshoot.

Sa tulong ng kanyang glam team ay nag transform bilang diyosa si Pat para sa nasabing photoshoot.  Isinakatuparan naman ng The Baby Village ang pangarap na maternity photoshoot ni Mrs. Gaspar.

Kabilang sa mga tema ng nasabing photoshoot ay ang formal wear suot ang kanya mala blue fairy gown kung saan kasama nito si Boss Keng. 

“18th birthday… na buntis!” biro ni Pat sa kanyang first outfit. 

Sunod na nag-ala vintage girl si Mommy Pat suot ang kanyang black body-hugging dress at black hat. 

Sexy Mommah!

Samantala, dahil hindi nakasama si Boss Keng sa huling layout para sa nasabing maternity shoot ay sinurpresa ito ng kanyang misis.

Medyo daring ang huling tema ng photoshoot kung saan suot ni Pat ang kanyang white pants at blazer. 

“So hindi niya nakita yung 3rd layout, which is ang 3rd layout ko ay medyo sexy. Ngayon hindi ko alam kung papayag ka bang mapa-upload ‘to or hindi,” ani Pat. 

“Ito yung alter-ego ko, never in your life na nakita ‘tong Pat Velasquez na ‘to! Ready?” tanong nito sa mister.

Isang napakalaking ngiti naman ang lumabas sa mukha ni Boss Keng nang makita ang sexy photos ng kanyang buntis na misis. 

“Ay wow!” ani Boss Keng na halos hindi matanggal ang mata sa litrato ng kanyang misis. 

“Buti wala ako dito, kundi baka bumaba muna tayo sa kotse,” biro pa nito. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.