Boss Keng Bribes Wife Pat Gaspar to Retract Statement About Baby Isla’s Real Father

Nagbabalik si Boss Keng para maghiganti sa asawa at kapwa vlogger nitong si Pat Velasquez-Gaspar. 

Matatandaang sa huling vlog ni Boss Keng ay tila nag-alala ito matapos siyang tanungin ni Pat kung siguardo bang siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. 

Dahil ito ay ikinasa ng batikang Team Payaman vlogger ang isang misyon upang bawiin ni Mrs. Gaspar ang mga paratang na bumagabag sa kanyang isip. 

Ganti ng Api

“Sasabihin nyo hindi ako ang ama? Eh ako ang nagpakahirap dyan!” ani Boss Keng sa kanyang mga manonood. 

Upang bawiin ni Pat ang mga pagbabanta nito na “what if” hindi si Boss Keng ang tunay na ama ni Baby Isla, sinubukan nyang suhulan ito ng malaking halaga.

“Pag binawi niya yung mga ‘what if, what if’ niya, bibigyan ko siya ng P500,000!” natatawang sambit ni  Boss Keng.

“Gusto kong makita sa mukha niya ang panghihinayang para sa P500,000 na ‘to!” dagdag pa nito.

Pero hindi pa rin nagpatinag si Mrs. Gaspar at imbes na bawiin ang kanyang mga sinabi ay agad kinuha ang cheke at ipinangalan sa kanya.

“This is mine!” pang-aasar ng soon-to-be mom. 

“Ang bilis o! Wala kang ginagawa, nagpabuntis ka lang may P500,000 ka na!” dagdag ni Pat.

Call a Friend

Dahil bigo na namang mapatiklop ang kanyang misis, nagsumbong na sa mga kinauukulan si Boss Keng. 

Una nitong tinawagan ang nakatatandang kapatid ni Pat na si Cong TV. Sunod na tinawagan ni Boss Keng ang mga magulang ni Pat na sina Papa Shoutout at Mama Revlon. 

“Baka naman panay ang motor mo kaya sinabi yan! Bakit magkaaway ba kayo? Baka panay ang alis mo kasi,” ani Mama Revlon. 

Agad din namang pinagsabihan ng kanyang mga magulang si Pat dahilan upang humingi ng paumanhin si Pat sa kanyang mister. 

“Di ba dun sa vlog mo ikaw yung pinaka matibay sa ano (pamilya)” tanong ni Papa Shouout. 

Sagot naman ni Boss Keng: “Hindi pala! Mas matibay pala ‘to, Pa!” 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

13 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

2 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

2 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

3 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

4 days ago

This website uses cookies.