Abigail Hermosada Bakes Personal Doughnut Recipe for Congpound Housemates

Sinurpresa ni Abigail Campañano-Hermosada ang kanyang mga kasamahan sa Congpound sa pamamagitan ng pagluluto ng isang katakam-takam na meryenda. 

Naisip ng resident baker ng Team Payaman na ipag-bake ng Cheesy Milky Donut ang kanyang mga kaibigan kasama ang asawang si Kevin Hermosada

Congpound Bake Day

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Abi ang naging paghahanda nito para sa gagawing Cheesy Milky Donut. 

Dahil hindi madadala ang mga kagamitan sa kanyang pastry business na Ti Babi’s Kitchen, umisip ito ng isang pastry recipe na madaling lutuin. 

“First time ko lang din ‘tong gagawin and ita-try natin siyang i-bake dito sa Congpound, at siyempre mamimigay din tayo sa ating mga housemates at ating mga neighbors,” paliwanag ni Mrs. Hermosada. 

Sinimulan ni Abi ang misyon sa pamimili ng mga ingredients para sa kanyang Cheesy Milky Donut. Namili na rin ito ng mga rekados para sa mga lulutuing ulam sa Content Creator House. 

Pagbalik ng bahay ay agad sinimulan ni Abi ang paggawa ng donut para sa meryenda ng buong Team Payaman.

Pero bago pa man tuluyang matapos ang kanyang baking session, isa-isa nang sumugod ang tropa sa kusina para tikman ang pa-donut ni Abi. 

Taste Test

Unang tumikim ng Cheesy Milky Donut ay si Burong at unang kagat palang ay tila na-speechless na ito sa sarap. 

Sunod na napasugod sa kusina sina Steve Wijayawickrama at Dudut Lang na halos hindi rin makapagsalita sa kanilang natikman. 

“Ang sarap!” ani ng Filipino-Sri Lankan vlogger na si Steve. 

Hindi nagtagal ay pinagsaluhan na ng buong tropa ang luto ni Abi na talaga namang na-enjoy ng lahat. 

“The milk is very delicious,” komento ni Carlos Magnata, a.k.a Bok.

Namigay din si Abi ng Chessy Milky Donut sa kanilang mga kapitbahay sa Congpound.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

3 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

14 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

This website uses cookies.