Vien Velasquez Reveals Transformation After Nose Sculpture

Ibinida ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang naging resulta ng kanyang “beauty journey” handog ng Prettylooks Aesthetic Clinic.

Laking tuwa nito nang makita ang pagbabago sa kanyang hitsura na nakapagtaas ng kanyang kumpyansa sa sarili.

The Reveal

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita na ni Mommy Vien ang kanyang final look matapos sumailalim sa iba’t-ibang non-surgical procedure gaya ng Masseter Botulin Lift and Glow, Chin Augmentation, Nose Sculpture, Cherry Blossom Lip Tint, at Collagen Blast Treatment.

Nilinaw ng 26-anyos na vlogger na itinuloy nito ang planong magpaganda dahil non-surgical at painless naman ang kanyang mga ipinagawa.

“Ito na po ‘yung resulta at natutuwa ako kasi ganito hitsura ko kapag may bridge [yung ilong].” pagbabahagi nito.

Ayon pa kay Vien, kinaya naman nito ang sakit ng ulo na side effect ng kanyang nose sculpture procedure. Ibinahagi rin nito ang naging pag-uusap nila ng asawang si Junnie Boy matapos ang proseso.

“So storytime, sinabe ko na kay Daddy na kapag pangit sa paningin mo, ipapatunaw ko. Sabi n’ya, parang walang nangyari. Pero para sa akin, may nangyari,” kwento nito.

Bukod sa kanyang ilong, proud na ibinandera rin ni Vien ang mga pagbabago sa kanyang mukha sa tulong ng Prettylooks. 

Early Birthday Gift

Samantala,  sinorpresa naman ni Mommy Vien si Daddy Junnie para nalalapit na  kaarawan nito.

Dahil noon pa man ay fan na si Junnie Boy ng K-Pop girl group na TWICE, naisipan ni Vien na surpresahin ang asawa ng Lower Box Tickets para sa concert ng nasabing grupo dito sa Pilipinas.

Matatandaang na noong 2018 ay nagbakasakali rin si Junnie Boy na makabili ng ticket sa unang concert ng TWICE ngunit nabigo ito. Kaya naman ngayong taon ay tutuparin ni Vien ang isa sa mga pinapangarap ng kanyang mister..

Lakung tuwa nito nang mahawakan na ang Twice Candy Bong Lightstick at ticket na kanilang gagamitin para sa nasabing concert.

“Sabi ko pa naman kukuha ako!” bungad ni Junnie.

“Kaso LBA lang tayo!” pangamba ni Vien.

Sagot naman ni Junnie: “Okay na ‘yun, okay na ‘yun!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

7 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.