“Nakakadismaya kayo! Para sa lahat ng nanonood sa’kin, galit ako sa inyo!”
‘Yan ang bungad ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, sa kanyang bagong vlog. Kasabay nito ay pinabulaanan din ng Team Payaman member ang pangungutya ng netizens na siya umano ay isang “takusa” o takot sa asawa.
Kaya naman, pinatunayan ni Boss Keng na siya pa rin ang “hari” ng pamilya nila ng kapwa vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar.
Matatandaan na sa huling vlog ni Boss Keng ay ipinakita nito kung papaano siya tumakas sa kanyang misis matapos silang magkatampuhan.
Ngunit imbes na maging “tigasin” ay binansagan ito ng netizens na “takusa” dahil tiklop diumano ito sa tapang ni Mrs. Gaspar.
“Para sa mga nagsasabi na takot ako sa asawa, nagkakamali kayo! Totoo ang tapang ko, guys!”
Kaya naman ikinasa ni Boss Keng ang isang plano upang patunayan sa netizens na hindi siya, kundi si Pat ang tunay na “takusa.”
Dali-dali itong nag set-up ng hidden camera sa kanilang kwarto at inutus-utusan ang kanyang misis.
“Lab! Pat! Naka ilang tawag na sa’yo ha? Pag tinatawag ka, lumapit ka agad!” bungad nito kay Pat na ngayon ay siyam na buwan ng buntis sa kanilang panganay.
Pero imbes na matakot ay tila natawa pa si Mrs. Gaspar sa asta ng kanyang mister. At dahil patuloy pa rin ang init ng ulo ni Boss Keng ay tila hindi na nagugustugan ni Pat ang tonong pananalita nito.
“Takot sya guys!” pabulong na sabi nito sa harap ng camera habang wala si Pat.
Matapos ang ilang minutong pagsusungit kay Mrs. Gaspar ay agad na nabaliktad ng preggy momma ang sitwasyon.
“Kanina ka pa eh! Sino’ng master mo?” tanong ni Pat.
“Ikaw! Ikaw nga!” pagsuko ni Boss Keng.
Hindi nagtagal ay inamin din ni Boss Keng ang nakatagong camera upang maipakita sa manonood kung sino ba talaga ang tunay na matapang sa kanilang mag-asawa.
Watch the full vlog below:
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
This website uses cookies.