Dudut Lang Flexes Unforgettable Dream That Changed his Life

Tampok ngayon sa bagong vlog ni Jaime de Guzman, a.k.a. Dudut Lang, ang panaginip nito na aniya’y nagpabago ng kanyang buhay.

Ibinida rin ni Dudut ang bagong kinahihiligan ng kanyang Ina. Ito na ba ang simula ng pagmomotorsiklo ng pamilya de Guzman?

Like Mother, Like Son

Laking gulat ni Dudut nang makitang nagpalit ng profile picture sa social media ang kanyang nanay sakay ng motorsiklo.

Agad nitong biniro ang ina sa comment section ng “Like Mother, Like Son,” na s’ya ring sinagot ng kanyang ina ng virtual halakhak.

Tinawagan ni Dudut ang kanyang mama upang kumustahin at silipin ang bagong kinahihiligan nitong pampalipas oras.

“‘Di pa kasi alam nito na may motor na ako” bungad ni Dudut.

Nabisto rin ng nanay ni Dudut ang pagbili nito ng motor matapos mapanood ang mga moto vlogs ng Team Payaman Moto Club Chairman na si Cong TV.

“Wala na eh, nakita ko sa mga vlog ni Cong. Nandun ka na,” aniya.

“Magmoto-vlogger ka na lang, Ma,” biro naman ni Dudut. 

The Ultimate Dream

Sa nasabing vlog ay ibinahagi rin ni Dudut ang hindi malilimutang panaginip na aniya ay nagpabago ng kanyang buhay.

“Gumising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Tapos lahat ng nahahawakan ko, natututong mag-manual,” bungad ni Dudut sa kanyang mga kasamahan.

Laking gulat ni Cong TV sa kanyang narinig kung kaya’t hiniling nito kay Dudut na ipaliwanag pa nang mabuti ang kanyang panaginip.

Hiningi nito ang pakikisama nina Bok at Jude na umaming hindi sila marunong magmaneho ng manual na motor, dahilan upang matulungan sila ni Dudut sa kanilang problema.

“Sumakay ka na bata [Bok]  at maniwala kang marunong ka na!” ani Dudut.

Napagtagumpayan naman nina Bok at Jude na gamitin ang manual na motor ni Dudut na nagpapatunay na totoo nga ang kanyang kakaibang kakayahan.

Halakhak din ang naging salubong ni Boss Keng nang makita nitong nagpakitang gilas si Bok sa pagmamaneho.

“Tama nga panaginip ko!” saad ni Dudut.

Huli namang sumabak sa panaginip series ni Dudut ang aspiring TP Moto Club member na si Yow Andrada, na hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi pa sanay magmaneho ng motor.

Agad din namang ipinaliwanag na Dudut na biro-biro lamang ang kanyang kapangyarihan at sumabak sa matinding pagsasanay ang kanyang mga kasabwat.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.