Pat Velasquez-Gaspar Enters ‘Nesting Stage’ As She Prepares for Arrival of Son, Isla

Sa pagtungtong sa kanyang kabuwanan o huling buwan ng pagdadalang tao, ipinasilip ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang “Nesting Stage.”

Ayon sa soon-to-be mom, ang nesting stage ay ang punto kung saan naghahanda na ang ina at mag-asawa ng mga gamit para sa pagdating ng kanilang supling. 

Almost ready

Sa kanyang ika-34 linggo ng pagbubuntis, ibinahagi ng bunsong kapatid ni Cong TV ang mga ginagawa nitong paghahanda sa nalalapit na pagdating ng kanilang panganay ni Boss Keng

Ayon kay Pat, nagsimula siyang mamili ng gamit noong Mayo kasabay ng Mother’s Day. Kabilang sa mga pinamili nila ay mga damit, breastfeeding essentials, bath essentials, at marami pang iba. 

Sa kanyang bagong YouTube vlog, Ipinakita rin ni Momm Pat kung paano nila pinagtulungan na buuin ang bagong biling cabinet kung saan ilalagay mga gamit ng kanilang panganay. 

Kwento pa ni Mrs. Gaspar, ang laking tulong para sa kanya bilang first-time mom na manood ng videos ng mga kapwa nya vlogger at nanay. 

“Sobrang helpful guys na manood ng vlog ng mga mommies kasi nakikita ko kung ano ba talaga yung mga kailangan ko, ano yung mga hindi ko kailangan,” ani Mommy Pat. 

Ibinahagi rin nito na gumagamit siya ng ilang stretmarks cream, oil, at serum upang mabawan ang paglabas ng kanyang stretchmarks. 

Samantala, handang handa na talaga ang mag-asawa sa pagdating ni Baby Isla dahil sa dami ng pinamiling damit para sa kanilang panganay.

“Na-realize ko guys ang mahal pala talaga ng damit ng baby!”  biro ni Mommy Pat. 

Hindi rin nakalimutan ng soon-to-be mom ang ilang breastfeeding essentials gaya ng breast pump, breastmilk storage, breastfeeding relief donut, at nursing cover.

“So, we’re almost ready! Actually guys, as time progress nakikita na talaga namin ni Keng yung mga kulang (na gamit).”

“Hindi ako makapaniwala, love, na nandito na tayo sa phase na ‘to! I can’t believe it!”

Iiimpake na lang aniya ni Pat ang kanilang hospital bag ni Isla nang sa gayon ay handa na sila sakaling makaramdam ito ng paglalabor anumang oras. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

5 days ago

This website uses cookies.