Chef Enn Shares Moto Camping Experience with Team Payaman Moto Club

Agad na sumabak sa long ride ang resident chef ng Team Payaman na si Kenneth Silva, a.k.a. Chef Enn, matapos nitong makamit ang pangarap na magkaroon ng sariling motorsiklo.

Kasama sina Adam Navea, Dudut Lang, at Awi Columna, binaybay ng TP Moton Club ang Rizal upang masubukan ang moto camping.

TP Moto Club Goes to Antipolo

Ibinahagi ni Chef Enn sa kanyang bagong vlog ang pagsubok nitong maibyahe ang kanyang bagong motorsiklo.

Kasama ang ilang mga miyembro ng TP Motoclub, game na game silang sumabak sa isang moto camping adventure.

Umaga pa lang ay bumyahe ang TP Moto Club members upang makarating agad sa kanilang destinasyon sa Rizal.

Nangako ang chef vlogger na paglulutuan nito ang kanyang mga kasama ng masasarap na putahe pagdating sa Antipolo.

“Ano lulutuin mo ngayon, Chef?” tanong ni Awi.

“‘Yan ang trabaho mo ngayon eh, paano mo pasasarapin ang luto mong sardinas!” biro naman ni Adam.

Matapos ang ilang oras ay natunton na ng grupo ang Camp Boa at agad na naghanda para sa kanilang camping.

Napasabak sa biglaang pagluluto si Chef Enn gamit ang mga pagkaing na matatagpuan sa nasabing lugar.

“Cooking in the Wild” naman ang naging bansag ni Dudut sa hamon na pagluluto para sa kanilang camping food.

Pinagkasya ni Chef Enn ang mga dalang delata at mga sahog para sa kanilang hapunan at agahan kinabukasan.

Matapos magluto at kumain, agad na nagpahinga ang TP riders at tuluyang inenjoy ang gabi habang nag-kwentuhan at naglilibot sa camp site.

Kinabukasan, agad na ring nag-ayos ang mga ito upang maghanda sa kanilang biyahe pabalik ng Maynila.

Unfortunate Incident

Sa kanilang paglalakbay, isang hindi inaasahang pangyayari ang sumalubong sa TP Moto Club.

Dahil medyo mahirap ang tumawid sa bato-batong daan, nawalan ng balanse si Awi Columna, dahilan upang matumba ang kanyang motorsiklo.

“Parang hindi ko kaya!” reaksyon ni Dudut.

“Pagod na pagod kami pero at least, nalagpasan kahit hirap na hirap,” sagot naman ni Chef Enn.

Ligtas namang nakauwi ang mga motorista ng Team Payaman at agad ding binawi ang kanilang pagod nang magsimula na itong mag-camping.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

22 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.