Road to Takasan: Did Boss Keng Really Runaway From his Wife, Pat Velasquez-Gaspar?

Malayo sa kanyang kadalasang content, isang emosyonal na vlog ang hatid sa atin ngayon ng nag-iisang Boss Keng ng Team Payaman. 

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ni Boss Keng kung paano ito nagpapalamig ng ulo sa tuwing nag-aaway sila ng misis na si Pat Velasquez-Gaspar.

Takasan si Misis, Beybe!

“Ngayon samahan nyo ako sa biyahe kong ito kung saan naranasan naming mag-asawa ang aming unang matinding pag-aaway,” malungkot na bungad ni Boss Keng.

Ayon sa batikang vlogger, minabuti nyang “takasan” ang misis na ngayon ay siyam na buwan ng ipinagbubuntis ang kanilang panganay na anak. 

“Ano bang ginagawa ninyo kapag meron kayong hindi pagkakasundo ng inyong mahal na asawa?” tanong ni Boss Keng sa kanyang mga manonood. 

“Ikaw ba ay nagtatampo rin? Ikaw ba ay umiiyak? Ikaw ba ay naglalambing o nanunuyo? O ikaw ba ay tumatakas katulad ko?” dagdag pa nito. 

Kaya naman nagtungo muna ito sa “Takasan Cafe” na matatagpuan sa Queen’s Row East, Bacoor Cavite. 

Ito ang bagong business venture ni Boss Keng katuwang ang kanyang kapatid,  kung saan mabibili ang iba’t-ibang klase ng kape. 

Paliwanag ni Boss Keng, matatagpuan ang Takasan Cafe malapit sa kanilang “Burgeran” branch at bukas ito mula 11am hanggang 9pm. 

Para maibsan ang init ng ulo, umorder si Boss Keng ng  kanyang paboritong Salted Caramel Iced Coffee.

Takasan o Takusa?

Matapos magpalamig ng ulo sa Takasan Cafe ay umuwi na rin si Boss Keng sa Congpound kung saan naghihintay si Mrs. Gaspar.

“Madami talaga sa atin na kadalasan ang ginagawa ay tumatakas sa asawa nila. Pero sa case namin kasi, si Pat kasi takot sa’kin, so…” nabitin na paliwanag ni Boss Keng dahil sumilip sa kwarto ang kanyang misis. 

Saan kaya humantong ang away mag-asawa na ito?

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.