Kidlat’s Baby Sitter Accepts Acting Challenge With ‘Rosalinda’ Star, Fernando Carrillo

Matapos bumisita sa VIYLine office nong June 11, 2023, sumabak sa hindi inaasahang pangyayari ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo, a.k.a Fernando Jose. 

Labis na ikinatuwa ng mga manonood ang naging acting challenge ng “Rosalinda” star kasama ang nag-iisang Carmina Marasigan, a.k.a Ate Acar, na syang nag-aalaga sa anak nina Cong TV at Viy Cortez. 

Si Ate Acar na nga kaya ang pinakabagong Rosalinda ng ating henerasyon? 

The Warm Welcome

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ni Viy Cortez sa kanyang mga manonood sa pagsalubong nito at ng buong VIYLine employees sa 90’s hearthtrob na si Fernando Carrillo ng hit Mexican soap opera na “Rosalinda.”

Isinama rin ni 26-anyos na vlogger sa nasabing okasyon ang katuwang niya sa pag-aalaga kay Baby Kidlat na si Ate Acar, upang personal na malapitan ang iniidolo nitong Venezuelan actor.

“Gusto kong ma-meet si Fernando Jose! Nanonood ako ng Rosalinda eh!” buong galak na sabi ni Ate Acar.

Sa tulong ng Ivy’s Feminity, nabihisan si Ate Acar ng isang magandang bestida upang makuha ang porma ala Rosalinda.

The First Encounter

Ilang sandali pa ay dumating na ang Venezuelan actor sa VIYLine Group of Companies office at agad itong sinalubong ni Viy Cortez at kanyang pamilya.

Hindi rin nagpahuli si Ate Acar sa kanyang pagsalubong dito at hindi pinalampas ang pagkakataon na mayakap ang kanyang idolo. 

Matapos ang kanilang kumustahan, walang pagdadalawang isip na sumabak sa aktingan sina Fernando Carrillo at Ate Acar, at ginaya ang ilang eksena sa Rosalinda.

Matapos ang batuhan ng mabibigat na linyahan, napawi ang tensyon nang kiligin si Ate Acar matapos itong halikan on-screen ng Venezuelan actor.

“Guys, may nanalo na! Ikaw [Ate Acar] ang nagwagi ngayong araw,” biro ni Viviys.

“Grabe! Pwede na ako maging artista!” ani Ate Acar.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

5 days ago

This website uses cookies.