Hatid ngayon ng Team Payaman Wild Cat na si Clouie Dims ang pasilip sa mga kaganapan sa loob ng Content Creator House sa Congpound tuwing weekend.
Minabuti nitong lagyan ng kakaibang twist ang kanyang vlog sa pamamagitan ng paggaya sa boses ng aktres na si Rufa Mae Quinto.
Ibinahagi ni Clouie Dims sa bago nyang vlog ang mga kadalasang ginagawa nito kapag patapos na ang linggo, kasama ang kanyang mga housemates sa Content Creator House.
Dahil kayang kaya nitong gayahin ang pananalita ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto, naisipan ni Clouie na panindigan ang kanyang pagiging “Rufa Mae for a Day” upang magbigay saya sa kanyang vlog.
“Ito lang talaga kami kapag weekend, medyo kumpleto,” bungad ni Clouie.
Ipinaliwanag din nito na ang ilan sa mga kasamahan nila gaya nina Burong, Yow, Dudut, at Carding ay nagpapahinga o di kaya’y nagmomotor sa umaga.
Samantala, ipinasilip naman ni Clouie ang laman ng kanilang pantry kung saan makikita ang madalas nilang kinakain sa bahay.
“Health conscious ang mga tao rito,” biro niya habang pinapakita ang mga stock ng instant noodles.
Pagtapos kumain ay naglinis na rin si Clouie ng kanilang bahay na sinundan ng pagtugis sa mga insekto sa bahay.
“Guys, samahan n’yo ako magbadminton!” biro nito.
Pagtapos magpahinga, sinamahan naman ni Kevin Hufana si Clouie upang mag ikot-ikot at mag-merienda sa loob ng kanilang subdivision.
“Dahil naglalato-lato s’ya, magke-kwek kwek kami!” ani Clouie.
Kinabukasan, laking gulat ni Clouie nang makatanggap ng isang delivery package na nakapangalan sa aso nitong si Bruno.
“May dumating kasi na parcel sa kanya nakapangalan. Paano umorder ‘yan? Paano oorder ‘yung aso ko?” kwento ni Clouie.
Sabay binuksan ng furparents na sina Clouie at Dudut ang package na ipinadala ng Frenchie Co. para kay Bruno. Laking pasasalamat ng mga ito nang makita ang produktong magagamit ng kanilang furbaby.
Watch the full vlog below:
The energy at SM Center Muntinlupa was electric as the Viyline MSME Caravan kicked off…
Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat ng kanta…
Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…
Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…
The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…
Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…
This website uses cookies.