Chef Enn Flexes New Motorcycle, Now Part of Team Payaman Moto Club

Opisyal nang napabilang sa Team Payaman Moto Club ang resident chef na grupo na si Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn. 

Ito ay matapos makabili ng kanyang sariling motorsiklo ang kusinerong vlogger na magagamit niya sa biyahe kasama ang grupo. 

Ninja 650

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Chef Enn ang pagbili nito ng second-hand na motorsiklo.

Ayon kay Chef Enn, dati rati ay pinapahiram lang siya ng motorsiklo ni Cong TV upang makasama sa rides ng Team Payaman Moto Club. 

Dahil sa kagustuhang laging makasama sa grupo, nagpasya si Chef na bumili ng motorsiklong magagamit niya sa pang malayuang byahe. 

Nagtungo ito sa Valenzuela kung saan naghihintay ang kanyang kaibigan na nagbebenta ng motorsiklong Ninja 650. 

Pagdating ay excited na nag test drive si Chef sa highway at matapos bilhin ang motor ay dumiretso na ito sa Congpound upang ipakita kay Cong TV ang nasabing motor. 

“Ganda nito!” ani Cong TV na sinubukan din agad imaneho ang Ninja 650. 

Approved din sa ibang miyembro ng Team Payaman Moto Club ang nasabing motor. 

Team Payaman Moto Club Official

Agad ding sumabak si Chef Enn sa ride kasama ang TP Moto Club patungo sa sikat na Kaybiang Tunnel. 

Dahil dito, opisyal nang isinama ng grupo si Chef Enn sa kanilang group chat dahil ganap na siyang miyembro ng Team Payaman Moto Club. 

Bago tapusin ang kanyang vlog ay muling nagpaalala si Chef Enn sa kanilang mga kapwa riders na mag-ingat habang nasa kalsada.

“Tandaan nyo palagi na may naghihintay na pamilya sa bahay nyo kaya palagi kayong mag dahan dahan. Ride safe palagi!”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 hour ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

This website uses cookies.