Anim na buwan matapos ipanganak ang kanyang bunso na si Alona Viela, isang ultimate makeover ang regalo ngayon ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang sarili.
Sa bagong vlog ni Mommy Vien, proud na ibinahagi nito ang kanyang “beauty journey” na ayon sa 26-anyos na vlogger ay ginawa nya para lalong maging confident sa sarili.
Nagtungo si Mommy Vien sa Prettylooks Uptown Mall branch sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ayon sa misis ni Junnie Boy, masaya sya ngunit kinakabahan sa mga ipapagawang pampaganda.
“Hindi ko alam! Excited ako na kinakabahan dahil gaganda na ko!” ani Vien.
Paliwanag ng mother-of-two, noong una ay hindi suportado ni Junnie Boy ang kanyang desisyon na sumailalim sa ilang beauty enhancement producere. Ngunit kalaunan ay pinayagan din naman siya nito.
“Kidding aside, si Junnie naman ay pumayag naman sa mga ipapagawa ko,” dagdag pa ni Vien.
Kabilang sa mga ipinagawa ni Mommy Vien sa Prettylooks ay ang Sweatox, SPL, at Black Pearl Treatment para sa kanyang kili-kili.
Binigyan din ito ng Collagen Blast Treatment upang ma-minimize ang kanyang pores at lalong mapaganda ang kutis.
Sumailalim din ito sa Masseter Botulin Lift and Glow, Chin Augmentation, Nose Sculpture, at Cherry Blossom Lip Tint, na pare-parehong non-surgical procedure at mabilis natapos sa loob ng ilang oras.
“Makikilala pa naman po ako ng asawa ko? Kasi baka palayasin na lang ako bigla!” biro ni Mommy Vien.
Ayon kay Mommy Vien, ginawa nya ang mga nasabing beauty enhancements para sa kanyang sarili at hindi lang para maging maganda sa paningin ng ibang tao.
Samantala, ikinatuwa naman ng netizens ang ginawang pampaganda ni Vien Iligan-Velasquez.
Hamster Heeseung: “This is what i love about ate vien. sobrang totoo palagi, no need to deny lalo’t wala namang masama kung magpa-enhance for yourself!”
Jesiel Grace Cagampang: “Mas lalo ka po gaganda nyan ate vien. mas lalo maiinlove c kuya junnie po nyan sayo”
Jezza Mae Recon: “Every woman has the right the do changes on her body. Her body her rules. Ang pretty mo madam!!!”
Watch the full vlog below:
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…
Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…
Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…
Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…
Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…
This website uses cookies.