Proud Parents: Vien and Junnie Boy Celebrate Mavi’s ‘Moving Up’ Milestone

Masayang ipinasilip ni Vien Iligan-Velasquez ang ilan sa mga kaganapan sa nagdaang moving up ceremony ng unico hijo nitong si Von Maverick Velasquez a.k.a Mavi.

The Preparations

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien ang kanilang naging paghahanda para sa moving up ceremony ni Mavi.

Ipinasilip din nito ang kanyang proud mom look para sa “big day” ng kanyang panganay na anak.

“May award o wala, mag-aayos ako para sa anak ko!” bungad nito.

Laking gulat naman ng proud mom nang makita ang mala-KPop na porma ng asawa nitong si Junnie Boy habang bumababa sa hagdan.

“Wow! Huy hindi naman cum laude ‘yung anak natin!” biro ni Vien.

“May award o wala, magbibihis ako para sa anak ko!” sagot din ni Daddy Junnie.

“‘Yung outfit natin parang may speech ‘yung anak natin!” dagdag pa ni Vien.

Nakasuot naman ng cute na cute na costume si Mavi na kanyang gagamitin para sa kanilang dance presentation.

Present naman para sumuporta sa moving up day ni Mavi ang kanyang Lolo at Lola na bumyahe pa mula sa Cavite.

Mavi’s Moving Up

Pagdating sa venue, game na game sumabak si Mavi sa programa ng kanilang moving up ceremony sa Marriott Hotel.

Nang tanungin kung ano ang pangarap niya sa kanyang paglaki, sinagot nitong nais n’yang maging isang chef.

“I want to be a chef because I want to cook to have a tall house and give toys to Viela,” ani Kuya Mavi.

Game na game ring sinuportahan ni Mommy Vien si Mavi on-stage para sa kanyang intermission number.

“Buti na lang nag-ayos ako! Sasayaw pala ako on stage!” biro nito.

Pagtapos ang kanilang dance number, muling tinawag sina Mommy Vien at Daddy Junnie para tanggapin ang award ng kanilang unico hijo na pinangaralan ng “Champion Explorer Award.”

Present din ang kanyang Lolo Marlon, Lola Jovel, and Tita Pat na proud na proud din sa natanggap na parangal ni Mavi.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

1 day ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

2 days ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

4 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

5 days ago

This website uses cookies.