Excited na ibinahagi ni Junnie Boy sa kanyang mga manonood ang kanyang kauna-unahang motorcycle race experience.
Bukod dito, isinabak din ni Daddy Junnie ang panganay nitong si Mavi sa kanyang unang pagbibisikleta.
Ibinahagi ni Junnie Boy sa kanyang vlog ang naging pag-ensayo sa anak nitong si Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi sa paggamit ng bisikleta.
“Pwede na! Eyy!” bungad ni Junnie.
Nang sumemplang ang apat na taong si Mavi, hindi naman nag-panic si Daddy Junnie dahil tiwala ito sa safety gears na suot ng kanyang anak.
“Okay, okay. ‘Di ba, effective? Walang sugat!” aniya.
Matapos sumabak sa bike training, dinala ni Daddy Junnie si Mavi sa bilihan ng mga bisikleta upang makuha ang kanyang bagong bike.
“Angas!” reaksyon nito.
Kinagabihan, muling sinabak ni Daddy Junnie at Mommy Vien ang kanilang panganay sa pagsasanay gamit ang bagong bike.
“Ganda bike ko!” masayang pagbabahagi ni Mavi.
Sa nasabi vlog ay ibinida rin ni Junnie Boy ang kanyang bagong motorsiklo na Kawasaki ZX4RR.
Berde ang napiling kulay ni Junnie dahil ayon rito, ito ang kanyang paboritong kulay noon pa man.
Laking gulat naman ng misis nitong si Vien nang makita ang bagong biling motor na kanya ring agad sinubukang sakyan.
“Ang laki ng gulong, parang salbabida!” bungad ni Vien.
Dagdag pa nito: “Ang ganda!”
Sinubukang biruin ni Junnie ang kanyang mga manonood nang magkunwari itong sumabak sa karera ng motorsiklo sa Batangas Racing Circuit.
Full force ang suporta ng mga kapwa Team Payaman member nitong sina Cong TV, Burong, at Geng Geng.
“Junnie, good luck ah!” pagbati ni Cong TV.
IT’S A PRANK!
Kahawig lamang ni Junnie Boy ang sumabak sa karera na si Dashi Watanabe, kaya naman madali nitong napaniwala ang si Vien nang mapanood ang kanyang video.
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.