Pat Velasquez-Gaspar Treat Supporters with Pre-Child Birth Taiwan Travel Vlog!

Bago tuluyang manganak ay sinamantala na ni Pat Velasquez-Gaspar ang lumipad palabas ng bansa kasama ang ilan sa mga housemates nito sa Congpound.

Silipin natin ang ilan sa mga kaganapan sa likod ng Taipei, Taiwan Trip ni Pat kasama ang ilang miyembro ng Team Payaman.

TP goes to Taiwan!

Ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang bagong vlog ang point of view nito matapos lumipad patungong Taipei, Taiwan.

Ayon kay Mrs. Gaspar, gustong gusto na nitong matulog dala pagod sa kanilang mahabang byahe.

Pagkagising ay dumeretso na sa breakfast buffet si buntis upang simulan na ang kanyang araw sa pamamagitan ng isang masarap na agahan. Matapos kumain, naghanda na ito para sa kanilang pamamasyal sa Taipei, Taiwan.

Bago umalis, ibinida muna ni Pat ang bagong helmet na binili ni Boss Keng sa Taiwan.

“Kung akala n’yo, wala sa isip ni Boss Keng ang pagmomotor, hindi n’yo lang alam guys kasi bumili s’ya ng helmet! Kung si Keng bumili, matic bumili si Cong TV at si Junnie Boy,” kwento nito.

Strolling Around Taipei

Bago simulan ang kanilang paggagala, may isang request si buntis sa kanyang hubby na si Boss Keng.

“I just have one request, just be patient with me,” ani Pat.

“I can do that!” sagot naman ni Boss Keng.

Unang pinuntahan ng Team Payaman ang Chiang Kai-shek Memorial Hall kung saan sinamantala na ng mag-asawa ang pagkuha ng litrato para sa kanyang Instagram.

Sunod na pinuntahan ng mga ito ang Ximending kung saan naghihintay ang Kuya Cong nito para sa kanilang last dinner sa Taiwan.

Sinubukan din ni Pat ang authentic Taiwan milktea upang maikumpara ito sa mga nabibili sa Pilipinas.

Dahil sa pregnancy cravings ni Mrs. Gaspar, umorder ang mga ito ng Fried Porkchop at Shredded Pork upang kumpletuhin ang kanilang pananghalian at hapunan.

Pagkatapos kumain ay bumalik na ang mga ito sa park upang mamasyal muli.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
406
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *