Chef Enn Celebrates 100k Subscribers Milestone with A Dish Recipe in Congpound

Bilang pagdiriwang sa pagkamit ng 100,000 subscribers sa YouTube, ipinagluto ni Chef Enn ang kanyang mga kasamahan sa Congpound.

Ibinahagi rin nito ang ilan sa kanyang mga paghahanda bago makamit ang kanyang 100k subscribers milestone.

100k Subscriber Handaan

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kenneth Silva, a.k.a. Chef Enn, ang ilan sa mga inasikaso nito bago salubungin ang kanyang 100k subscribers count sa kanyang YouTube channel.

Walang pagaatubiling sinamahan ito ni Ate Mercy upang mamili ng mga rekado para sa putaheng ihahanda.

Ayon kay Chef Enn, nais nyang magluto ng masustansyang pagkain na pasok sa budget upang madali rin itong magaya ng kanyang mga manonood.

Pagkatapos mamili ng kanyang mga kakailanganin, napagdesisyunan ni Chef Enn na magluto ng Beef Mechado, Ginisang Gulay, at Ginataang Tulingan bilang parte ng kanyang simpleng handa.

Agad na dumeretso si Chef Enn sa bahay ng bossing nitong si Cong TV upang simulang lutuin ang mga handa nito. 

Unang pinrito ni Chef ang tulingan at pagkatapos ay isinangkutsa na ang mga rekado ng lulutuing Mechado.

100K Countdown

Binisita rin ng isa pang Team Payaman OG cook na si Marlon Velasquez Sr., a.k.a. Papa Shoutout, si Chef Enn upang silipin ang niluluto nito.

“Parang mabango ‘to ah? Uy ano na naman ‘to? Hi!” pagbati ni Papa Shoutout.

Ayon kay Chef Enn, isa ang ama ni Cong TV sa kanyang mga kasundo pagdating sa pagluluto at siya rin ang isa sa kanyang mga solid na taga-suporta.

Pagkatapos magluto, isa-isang binigyan ni Chef Enn ang mga bahay sa Congpound ng kanyang handa upang matikman nila ito.

Una niyang binigyan ang pamilya nina Junnie Boy na sinundan ng pamilya nina Boss Keng at Pat, na kanya ring sinabayan na sa pananghalian. 

Bago tapusin ang kanyang vlog, muling nagpasalamat ang resident chef ng Team Payaman sa kanyang mga taga-panood sa patuloy na suporta ng mga ito.

“Maraming salamat muli sa lahat ng sumusuporta! Mag-iingat kayo palagi d’yan!” aniya.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

3 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

3 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

5 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

5 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

5 days ago

This website uses cookies.