Sa kanyang pagbabalik vlogging, isinama ni Pau Sepagan, a.k.a Roger Raker, ang kanyang mga manonood sa isang biglaang pamamasyal sa Baguio City.
Isang quick travel vlog ang hatid ngayon ng nagbabalik loob na Team Payaman content creator na talaga namang inaabangan ng kanyang mga tagasubaybay.
Kasama ang longtime girlfriend nitong si Mikhaela Cruz, tila naging biglaan ang pagdayo ni Roger Raker sa tinaguriang “Summer Capital of the Philippines.”
Naging third wheel naman ng dalawa ang ama ni Roger na kilala ng kanyang mga viewers sa bansag na “Daddy Boomy.”
“Ang plano kasi talaga galing San Jose babalik tayong Quezon para pickup-in si Kath (Sepagan), kaso nagbago isip,” paliwanag ni Roger.
Bagamat bumiyahe sa gitna ng sama ng panahon, sinuguro naman ni Roger na maayos ang kondisyon ng kanilang sasakyan. Pagdating sa Baguio City ay mainit namang sinalubong si Roger ng kanyang mga taga suporta.
Hindi rin pinalagpas ng batikang vlogger ang pagkakataon na bumisita sa mga kilalang tourist spot sa siyudad gaya ng Burnham Park, Baguio Night Market, Session Road, SM City Baguio, at iba pa.
At syempre, hindi kumpleto ang pagbisita sa Baguio kung hindi makakapag food trip sa mga kilalang kainan.
Dinayo nina Roger Raker, Daddy Boomy, at Mikh ang sikat na Good Taste Restaurant. Dito nagsalo ang tatlo sa Halo-Halo, Egg Pie, Chopseuy, Sinigang na Hipon, at Buttered Chicken.
“So si Mik ang pumili ng kinakainan namin ngayon dahil sabi niya kung hindi daw kami pumunta dito, eh parang sayang daw ang pagpunta namin sa Baguio.”
Ayon kay Roger, hindi nya inasahan na magiging sobrang saya ng kanyang pagbisita sa Baguio City.
“Hindi ko inexpect na sobrang ganda sa Baguio kasi first time ko nga dito.”
“Sobrang sayo ko na na-meet yung ibang mga viewers natin at subscribers natin na ang dami pala nila dito sa Baguio.”
Watch the full vlog below:
Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…
Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…
Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…
Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…
"Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
This website uses cookies.