Hatid ngayon ng resident chef ng Team Payaman na si Chef Enn ang isang food review sa ilang mga pagkain na ipinagmamalaki ng bayan ng Cavite.
Sinubukan ng kusinerong vlogger ang iba’t-ibang mga putahe mula sa makasaysayang lalawigan ng Trece Martires, Cavite.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn, ang kanyang quick getaway sa Cavite kasama ang mga kaibigan.
Una nitong tinikman ang sikat na ulo ng baboy mula sa Elmanor Eatery, isang karinderyang patok sa masa.
Kasama ng ulo ng baboy ang mainit na kanin at sabaw upang kumpletuhin ang kanilang kakaibang lunch experience.
“Hindi maasim ‘yung sabaw nila guys, pero pwedeng pwede na. Ang lambot oh [ng laman]! Ang sarap! Para sa akin, approve! Sarap guys!” hatol nito sa kanilang first stop.
Nakapanayam din ni Chef Enn ang may-ari ng nasabing karinderya na si Danilo. Ibinahagi nito na kadalasang umaabot sa 15-20 kilo ng ulo ng baboy ang kanilang niluluto araw-araw.
Hindi rin pinalampas ni Chef Enn na magluto ng kanyang putahe sa Cavite upang masubukan ng kanyang mga kaibigan.
Bukod sa pag-rerelax sa tabing ilog sa Cavite, naisipan ni Chef Enn na magluto ng Pork Sisig, Ginataang Puso ng Saging, at Bangus Sinugba.
Matapos ang limang minuto, natunton nina Chef Enn ang napaka gandang ilog sa Barangay Indang sa Cavite.
Agad nagsimulang magluto si Chef Enn gamit ang kanilang mga napamiling rekados. Una nitong sinangkutsa ang mga rekados para sa Ginataang Puso ng Saging na sinundan ng paghahanda para sa Ensaladang Pako.
Sunod na inihanda ni Chef Enn ang bangus na kanyang pinalamanan ng sibuyas at kamatis pagkatapos ay isinalang upang ihawin.
Huli nang inihanda ni Chef Enn ang Pork Sisig na kukumpleto sa beside-the-river foodtrip ng magkakaibigan.
Watch the full vlog below:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.