Matapos tiisin ang panunukso ng Team Payaman Moto Club, pormal nang napabilang sa grupo si Carding Magsino matapos makabili ng sarili niyang motorsiklo.
Sa kanyang bagong vlog, ipinakilala ni Carding ang kanyang bagong Kawasaki Dominar 400 na binansagan nitong “Doppio.”
Inamin ni Carding Magsino sa kanyang vlog na para makasama sa mga ride ng grupo noon ay nakikihiram lang ito ng motor o umaangkas sa iba.
Pero dahil sa pangungutya ng mga kaibigan ay sinikap ng resident Physical Therapist ng Team Payaman na makabili motorsiklo.
“Pangit din laging hiram ng hiram, pangit buraot!” ani Carding.
“Hintayin nyo lang, tandaan nyo yan! Ako lapit na kuha (motor),” dagdag pa nito.
Sinubukan ni Carding na kausapin ang kapwa vlogger na si Kevin Hermosada, na tulad nya ay hindi makasabay sa trip ng tropa dahil wala pang motor.
Inalok ni Carding si Kevin na maghati sa pambili ng motor at maghiraman na lang sa paggamit nito o kaya ay mag angkasan tuwing may ride ang tropa.
“Manual yung bilhin natin para ako magda-drive,” biro ni Carding.
Sagot naman ni Kevin: “Para akong mag aambag ng luho mo! Magiging masaya ba ko nun? Parang ikaw lang yung magiging masaya don!”
Para makabili ng motor, pinayuhan ni Kevin ang kaibigan na umutang ng pera sa kanilang Sri Lankan housemate na si Steve Wijayawickrama.
Bilang kapalit sa pag utang, humiling si Steve ng trivia tungkol sa motorsiklo kay Carding bilang dagdag kaalaman.
Game na game namang ibinahagi ni Carding ang isang trivia tungkol sa kauna-unahang motor na naimbento.
Paliwanag ni Carding ang unang motorsiklo ay binansagang “Daimler Reitwagen” na naimbento ng German engineer na si Gottlieb Daimler. Aniya, mayroon itong apat na gulong at gawa sa kahoy.
Aniya, sumusubok noon na gumawa ng makina ng kotse si Gottlieb Daimler kasama ang kanyang engine designer na si Wilhelm Maybach.
“Hindi siya sinasadya for motorcyle, so ang intensyon nila gumawa ng sasakyan. Sinubukan lang nila yung makina na pang sasakyan sa frame na pang motor.”
Dagdag pa ni Carding, ito na ang una at huling imbensyon ng motor ni Daimler dahil kalaunan ay nakipagkasundo ito kay Karl Benz at nabuo ang kauna-unahang sasakyan ng Mercedes-Benz.
Sa huli ay nakumbinsi ni Carding si Steve na paluwalan ang pambili niya ng motor.
Watch the full vlog below:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.