Cong TV’s Vlog Editor Ephraim Abarca Shops for Brand New Car

Aanihin na sa wakas ng video editor ni Cong TV na si Ephraim Abarca ang bunga ng kanyang sikap at determinasyon. Ito ay  matapos mag-ipon upang makabili ng kanyang pinapangarap na kotse.

Sinamahan ng Team Payaman Wild Dogs ang nasabing editor upang magtingin ng sasakyang maari niyang maging “first car.”

Car Shopping

Ipinasilip ni Dudut Lang sa kanyang bagong vlog ang car shopping journey ng TP editor na si Ephraim Abarca. Kasama sa nasabing car shopping  sina Cong TV, Junnie Boy at Burong.

“Bibili ng sasakyan ‘yung editor ni Bossing,” ani Dudut. 

“Editor ko ‘to dati, pero tignan mo, kung sa akin pa rin ‘to, hindi makakabili ng sasakyan ‘to!” dagdag pa nito.

Pabirong sagot naman ni Eph: “Makakabili naman siguro ako pre, mga 10 years to pay.”

Ibinahagi ni Eph na pinag iisipan nya kung sedan o crossover ba ang kotseng kanyang bibilhin para sa kanyang first car. 

“Ay ang ganda!” komento ni Cong TV nang subukang sakyan ni Eph ang isang kotse.

Driving lessons

Hindi man agad nakapag-desisyon si Eph sa bibilhing sasakyan, minabuti ni Dudut na turuan muna itong magmaneho.

Nilinaw din ni Dudut na mayroon ng student permit si Eph at naghihintay na lang ito na makakakuha ng kanyang opisyal na driver’s license.

Kasama ang kapwa TP editor na si Bryle Galamay, a.k.a Bods, nag practice mag maneho sina Dudut at Eph sa loob ng subdivision.

Nagbigay din ng mga tips and tricks sa pagmamaneho si Dudut na maaaring gamitin ni Eph sa kanyang bagong sasakyan.

“First time ko, kinakabahan ako!” ani Eph.

Matapos ang kanilang quick drive sa loob ng subdivision, agad na pinuri ni Dudut si Eph dahil sa bilis nitong matuto magmaneho.

“Handa ka na. Humayo ka na at mag-drive. Marami ka pang kalsadang tatahakin,” bilin ni driving coach Dudut.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

21 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

27 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.