Pat Velasquez-Gaspar Immerse Viewers With Recent Pregnancy Bumpdate

Hatid ngayon ng expecting mom na si Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang 29th week of pregnancy update para sa kanyang mga masugid na mga taga-suporta.

Ibinahagi rin ni Pat ang ilan sa mga pinagdaanan nito bilang ina habang ipinagbubuntis ang panganay nila ni Boss Keng.

Pregnancy Blues

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang mga manonood sa ultrasound appointment nito sa Hello Baby sa Quezon City.

Bago umalis ay nagsalo ang mag-asawa sa isang masarap na agahan kasabay ang kanilang  kwentuhan tungkol sa pagbubuntis ni Mrs. Gaspar.

Ipinamalas ni Boss Keng ang kanyang pagiging hands-on daddy sa pag-aaral ng mga nararanasan ng misis nito. 

“Si BK lagi niyang inuunahan ako minsan magbasa [sa pregnancy app],” bungad ni Pat.

“Alam n’ya kapag mayroon akong iniinda. Hindi, sasabihin n’ya ‘normal lang ‘yan,’” dagdag pa nito.

Dahil aniya sa lakas nyang kumain, si Boss Keng na rin ang nagsisilbing gabay nito upang maiwasan ang paglobo ng timbang para mairaos ang normal delivery.

Ibinida rin ni Mommy Pat ang kanyang lumalaking baby bump ilang linggo bago tuluyang ilabas ang kanilang Baby Isla.

“I can’t wait to see you, Isla boy!” aniya.

Isla’s Lookalike

Dahil excited na ang soon-to-be mommy and daddy sa pagdating ni Baby Isla, nagtungo ang mga ito sa Hello Baby upang muling masilayan ang lagay ng kanilang panganay.

“Boss Keng yung ilong talaga hindi nagbabago ah. Pati butas ng ilong maganda noh?” ani Mommy Pat.

Laking tuwa ng mga ito nang masilayan ang hitsura ng iba’t-ibang parte ng katawan ng kanilang Baby Isla.

Samantala, upang makita kung sino ba talaga ang kamukha ni Baby Isla, inihanda ni Mommy Pat ang ilan sa mga baby pictures ni Daddy Keng.

“Ito si Isla Boy! Ilong pa lang alam mo na kung sino [kahawig] eh!” biro ni Pat.

“Ilong ko ‘yan oh!” pag-sangayon naman ni Boss Keng.

Hindi naman napigilang maging emosyonal ng mag-asawang Boss Keng at Pat nang makita ang mga litrato ng mag-ama.

“Naiiyak ako, may naitabi pa palang ganito sina Mama,” ani Boss Keng.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

2 hours ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 hours ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

1 day ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

This website uses cookies.