LOOK: Ninong Ry Surprises Newly Weds Abigail and Kevin Hermosada With Grandiose Gift

Dalawang buwan matapos ikasal sa simbahan, hindi pa rin ubos ang mga natatanggap na regalo ng mag-asawang Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada.

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Abi ang pasabog wedding ni gift sa kanila ng chef YouTuber na si Ryan Reyes o mas kilala bilang Ninong Ry.

Late wedding gift

Ayon kay Kevin Hermosada, bago pa man dumating ang surpresang regalo ni Ninong Ry ay may ideya na siya sa ipapadala nito. 

“Si Ninong Ry ay nagpadala po sa amin ng regalo na hindi pa alam ni Abi, pero ako alam ko na!” ani Kevin. 

Kwento ni Kevin, ang naturang kusinerong vlogger ang nakiusap sa kanya na ilihim muna kay Abi ang kanyang planong regalo. 

Aniya, noong nagdaang Team Payaman Fair kasi ay humingi sila ng tulong kay Ninong Ry para makahanap ng marerentahang mixer dahil hindi na kinakaya ng kanilang mga gamit ang dagsa ng orders para sa pastry business nilang Ti Babi’s Kitchen.

Imbes na mag rekomenda ng kakilala ay pinahiram na lang daw sila ng gamit ni Ninong Ry na lubos na nakatulong sa kanilang operasyon noong TP Fair. 

“Isa yan sa mga sumalba sa amin noong TP Fair,” ani Abi. 

Gift reveal

Dali-daling tinawagan ng mag-asawa ang mga tao sa bahay nina Abi kung saan nandoon din ang headquarters ng Ti Babi’s Kitchen. 

Laking tuwa ng Ti Babi’s owner and baker nang makita ang isang malaking stand kitchen mixer na magagamit niya sa kanyang negosyo. 

“Ang laking mixer!” laking gulat ni Abi. 

“Grabe, Ninong Ry! Ang laking mixer nyan! Hindi na tayo mahihirapan sa production!” dagdag pa nito. 

Agad ding tinawagan ng mag-asawa si Ninong Ry upang magpasalamat sa regalong talaga namang mapapakinabangan nila. 

“Parang ikaw talaga yung ninong namin,” biro ni Abi. 

Sagot naman ni Ninong Ry: “Nakita ko nagsisimula kayo ng business eh, maganda yan, ituloy nyo lang yan!”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

4 hours ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

16 hours ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

16 hours ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

1 day ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

1 day ago

This website uses cookies.