Team Payaman’s Bok Spoils Himself With New Riding Gears for Future Rides

Matapos magkaroon ng  sariling motor galing kay Cong TV, ngayon ay unti-unti nang nagpupundar si Carlos Magnata, a.k.a Bok, ng kanyang mga kagamitan.

Nagtungo ang TP Wild Dog sa isang motorcycle convention noong April sa SMX Convention Center at ito ang ilan sa kanyang mga napamili.

Makina Motoshow 2023

Sa bagong vlog ni Bok, ibinahagi nito ang kanyang karanasan sa dinaluhang Makina Motoshow sa SMX Convention Center sa Pasay.

Kasama rin ni Bok ang ang kapwa Team Payaman vloggers na sina Dudut Lang at Clouie Dims na nakiisa sa moto-shopping.

Unang sinilip ni Bok ang ilan sa mga helmet na kanyang nakita sa nasabing motoshow at agad din itong nagsukat. Hinikayat din nito ng kanyang mga kasama na bumili upang magamit sa kanilang mga rides. 

Sunod na siniyasat ni Bok ang mga riding safety clothing gaya ng mga protective jackets na pwedeng iterno sa kanyang helmet.

“Ayan, sinuot ko na s’ya mga tol. Okay naman s’ya. Ito yung napili ko kasi okay s’ya kapag natamaan ng ilaw lalo na kung madilim ‘yung area,” paliwanag nito.

Matapos maghanap ng mga protective gears, sunod na ibinida ni Bok ang kanyang kakaibang riding bag mula sa Overdose Moto Products.

“Salamat sa Overdose, makukumpleto na [ang mga gamit]. Talagang mao-overdose ka kasi sulit talaga!” pasasalamat nito.

Boys Night Out

Sa nasabi vlog ay ipinasilip din ni Bok ang ilan sa mga kaganapan matapos ang isang mini boys night out sa San Pedro, Laguna.

Full force ang suportang hatid ng TP Wild Dogs sa kaibigan nitong singer-songwriter na si Matthaios matapos ang live performance nito sa Tricia’s Bar and Lounge.

Game na game na nakipagkulitan, kantahan at sayawan si Bok kasama ang ilan sa mga dumalo sa nasabing event.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.