Mentos Pulls Off Epic ‘Staycation Prank’ to Team Payaman Editor Angel Amaqui

Dahil walang supply ng tubig sa Congpound, umisip ng paraan si Team Payaman vlogger Michael Magnata, a.k.a Mentos upang makaligo kasama ang ilang kaibigan. 

Naisipan nitong maghanap ng malapit na hotel kung saan makakaligo na sila, makakapag relax at pahinga pa. Pero bukod dito, mayroon palang ikinakasang matinding prank si Mentos sa OG Team Payaman video editor na si Angel Amaqui

Staycation Treat

“So guys, ito si Angel at lagi lang syang nasa kwarto. Ngayon mayroon akong naisip gawin para makalabas siya, pero may twist,” bungad ni Mentos sa kanyang bagong vlog

At dahil nga walang tubig sa Congpound, inaya ni Mentos ang Team Payaman editors na sina Angel at Henric, pati na rin ang driver na si Kuya Lim para maghanap ng maliliguan. 

Napadpad ang apat sa isang malapit na hotel kung saan ipinangako ni Mentos na sasagutin niya lahat ng gastusin. 

“Libre ko lahat. Akong bahala, ako magbabayad!” paniniguro nito sa tropa. 

Pero lingid sa kaalaman ni Angel, mayroon palang ikinakasang prank sa kanya ang Team Payaman driver-turned-vlogger. 

Kinuntsaba ni Mentos ang receptionist ng hotel at kunwaring ipinangalan kay Angel ang lahat ng bill sa kanilang kwarto. 

Pagdating sa kanilang kwarto ay isang “Complete Staycation Package” ang naghihintay sa kanila. Umorder na rin ng makakain ang tropa na animo’y nasa isang 5-star hotel. 

Matapos kumain ay tinodo na ni Mentos ang “Staycation Treat” sa kanyang mga kaibigan at nagpamasahe pa sa kanilang hotel room. 

Staycation Prank

Kinabukasan isinagawa na ni Mentos ang kanyang prank na naglalayong mabiktima si Angel Amaqui. 

“Ang plano namin is aalis kami kunwari sa umaga. Pag alis namin maabutan nila Angel na check out na pala namin. Si Angel ang sisingilin ng staff dahil pinangalan ko sa kanya yung room namin,” paliwanag ni Mentos. 

Dali daling inayos ni Henric ang camera sa kanilang kwarto upang makunan ang reaksyon ni Angel sa prank. 

Habang nagpapaka busog sina Mentos at Kuya Lim sa breakfast buffet ng hotel, sinugod na ng hotel staff ang kwarto nina Angel at Henric para isagawa ang prank. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

10 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

1 day ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

1 day ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

1 day ago

This website uses cookies.