Team Payaman’s Chef Enn Shares Easy but Yummy Outdoor Camping Recipes

Muling nagbabalik ang resident chef ng Team Payaman na si Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn, para sa isa na namang katakam-takam na cooking vlog episode. 

Sa bagong video sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Chef Enn ang ilan sa mga putaheng madaling lutuin para sa mga trip mag outdoor camping. 

Camping in Tanay

Noong nagdaang Semana Santa, isinama ni Chef Enn ang kanyang mga manonood sa isang outdoor camping adventure. 

Kasama ang kanyang pamilya, nagtungo ang kusinerong vlogger sa Camp Marahiya sa Tanay, Rizal. Dito nagtayo sila ng mga tent at naghanda para sa masayang outdoor trip malapit sa ilog.

Ikinatuwa naman ni Chef Enn ang ganda ng kapaligiran at ang payapang buhay malayo sa ingay at gulong nakasanayan sa siyudad.

“Parang ang sarap ng feeling dito, simpleng buhay, tahimik, walang sasakyan, fresh air yun ang importante, walang kagulo gulo, ‘di katulad sa city ‘di ba?” ani Chef. 

Outdoor cooking

Matapos pansamantalang magpahinga, inihanda na ni Chef Enn ang mga kakailanganin sa pagluluto ng kanyang mga ihahain para sa tanghalian. 

Para sa trip na ito, naisipan ni Chef Enn na magluto ng Tinolang Manok, Tuna Belly at Tuna Panga in BBQ Sauce, Longganisa with Broccoli, at Bangus Belly by Haring Bangus.  

Unang binabad ni Chef Enn ang mga tuna sa kanyang DIY barbecue sauce na gawa sa pinaghalong calamansi, ketchup, asukal, at bawang. Para mas lalong sumarap, dinagdagan pa niya ito ng rosemary at chili flakes. 

Sunod namang niluto ni Chef Enn ang Longganisa with Broccoli at ang Tinolang Manok kung saan bida ang native chicken na bagong katay pa. 

Sunod na ipinrito ni Chef Enn ang Belly Spicy na Bangus Belly mula sa Haring Bangus na pagmamay ari ni Team Payaman vlogger Michael Magnata, a.k.a Mentos

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

14 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

1 day ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

1 day ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

1 day ago

This website uses cookies.