Tips on How to Ask for Partner’s Permission for a Long Ride According to Burong

Bago tuluyang sumabak sa isang mahaba-habang biyahe, ibinahagi muna ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, kung paano nga ba dapat humingi ng permiso sa mga misis o nobya para payagan mag-ride. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip din nito ang ilan sa mga biyahe ng Team Payaman Moto Club. 

Warm-up and Upgrade

Kamakailan lang ay sumabak sa long ride patungong Bataan ang Team Payaman Moto Club. Pero bago ito ay tila nag warm up muna ang grupo sa isang quick ride. 

Pina-upgrade rin ni Burong ang kanyang motorsiklo bilang paghahanda sa kanilang mahabang biyahe. 

Kabilang sa mga pinaayos sa motor ni Burong ay ang bagong LED lights, RM Bracket, Battlax Tires, Clutch Spring, Center Spring, Malossi Cut Belt, at Variator Kit. 

Paalam 101

Pero siyempre, kahit gaano pa kaganda ang set-up ng motor, mawawalan ito ng saysay kung hindi papayagan mag ride ni misis o ni jowa. 

Kaya naman isang food trip date ang inihanda ni Burong para magpaalam sa kanyang longtime girlfriend at fiance na si Aki Anggulo. Kaya naman dinala ni Burong si Aki sa Wagyuniku by Pat and Keng .

“Love, pili ka lang love kung anong gusto mo, love ah? Check-an mo lang lahat, love, babayaran ko lahat yan, love,” paglalambing ni Burong kay Aki. 

Ayon kay Burong, dalawang araw silang babyahe sa Bataan kasama ang buong TP Moto Club at Y Kulba. 

Pero paano nga ba dapat magpaalam para makamit ang matamis na oo ni Aki?

Tip #1: Busugin muna si misis or jowa bago magpaalam

Ayon kay Burong, kailangan busugin muna ang mga nobya o misis bago magpaalam upang masiguro na hindi mainit ang kanilang ulo.

“Number one lesson para sa mga nagpapaalam, dapat pakainin nyo muna bago kayo magsabi ng kung ano-ano,” paliwanag ni Burong. 

“Yung ganitong technique, guys, professional lang ang gumagawa!” biro pa nito.

Tip #2: Assurance 

Ayon kay Burong, marami-rami na syang pinagawa sa kanyang motorsiklo bilang paghahanda sa long ride. 

“Love, pinagawa ko na yung motor ko, love. Dami ko nang pinagawa, ready na ‘to para sa long ride.”

Pero nang hindi nagustuhan ni Aki ang tila pasumbat na tono ng kanyang soon-to-be husband, nilinaw nito na ang nasabing upgrade ay para sa kaligtasan din niya. 

“Hindi ko sinusumbat, ibig sabihin non ready na ko para mag long ride. So kundisyon na yung motor, safe na safe na siya.”

Dahil dito ay napapayag din ni Burong ang kanyang soon-to-be wife kaya tuloy ang ligaya ng tropa sa Bataan. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Ninong Ry Meets Gordon Ramsay at ‘Masterchef’-Inspired Show in Manila

Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…

3 hours ago

This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…

8 hours ago

How to Score a Meet and Greet Pass With Viy Cortez-Velasquez at the VIYLine MSME Caravan

In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…

1 day ago

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

2 days ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

2 days ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

6 days ago

This website uses cookies.