Team Payaman’s Pat and Keng Shares Tearjerking Q and A With Their Moms

Hindi pinalampas ng expecting parents na sina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar na magbigay ng munting regalo para sa kanilang mga minamahal na ina noong nagdaang Mother’s Day.

Bukod sa well-deserved treat, sumalang din ang mag-balae sa isang Mother’s Day Exclusive Interview.

Pamper Day

Ibinahagi ng bunsong babae ng Pamilya Velasquez sa kanyang vlog ang kanilang Mother’s Day Treat para kina Mommy Jovel (Jo Velasquez) at Mommy Jogas (Jo Gaspar).

“Ano ba ang mga gusto ng mga nanay? Syempre ‘yung pina-pamper sila! Kaya sinabe namin sa kanila na ‘Ma, kahit anong gusto n’yong gawin, i-avail na service, go!’” paliwanag ni Pat.

Game na game namang sumama ang mag-balae upang masubukan ang all-out pamper na hatid ng Glam Central Salon by Pat and Keng.

Mother’s Day Q and A

Sa nasabing vlog inaanyayahan din ng mag-asawang Boss Keng at Pat ang kanilang mga ina para isang masayang panayam.

Naantig ang puso ng mag-asawa nang marinig ang mga nami-miss ng kanilang mga ina simula nang nag-asawa ang mga ito.

Mama Jogas: “Siguro yung nagsisimba tayo kahit wala tayong pera, nilalakad natin nang malayo. Kahit wala tayong pera anlayo ng nilalakad natin!”

Hindi pa man nagsasalita ay naging emosyonal naman ang ilaw ng tahanan ng Pamilya Velasquez.

Mama Jovel: “Yung namimiss ko is yung sama-sama kami sa bahay. Yung sama-sama kayo kakain kahit hindi masarap yung ulam n’yo.”

Dagdag ni Mama Jovel: “Hindi pa rin nagsi-sink in sa amin [ni Papa Shoutout] na may mga asawa na kayo.”

Laking pasasalamat pa rin ng mga ito dahil maganda ang naging buhay ng kanilang mga anak at hindi nakakalimot sa kanilang mga magulang.

Isa rin sa mga napag-antig sa puso ni Pat ay ang sagot ng mommy ni Boss Keng sa kung ano ba ang kinakatakutan nito para sa kanyang anak.

“Siguro yung mawala si Pat, kasi yung buhay ni Keng na kay Pat na eh!” ani Mommy Jogas.

Tinapos ng mag-asawang Boss Keng at Pat ang kanilang Mother’s Day Special sa pagbibigay ng kanilang mensahe para sa kani-kanilang mga ina.

Boss Keng: “Happy Mother’s Day syempre. Maraming maraming salamat dahil wala ako, walang Boss Keng kung wala si Mama.”

Pat: “Siguro kung mayroon akong susundin ng way ng pagpapalaki sa anak ko, ‘yun yung kung paano mo kami dinisiplina. Maraming salamat sa sakripisyo mo sa aming magkakapatid. Hindi po madali magpalaki ng apat na batang magkakasunod.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

11 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

11 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.