Team Payaman’s Mentos Surprises Boss Keng With New Motorcycle Upgrade

Matapos makamit ang kanyang bagong motorsiklo, ibinida ni Michael Magnata, a.k.a Mentos, ang panibagong upgrade na ginawa nito sa kanyang motor.

Pero bukod sa kanyang sariling motor, naisipan din nitong surpesahin ng “bike upgrade” ang isa sa matatalik na kaibigan na si Boss Keng. 

Browny upgrade

Sa kanyang bagong vlog, ipinaliwanag ni Mentos kung bakit naisipan nitong agad i-upgrade ang bagong motorsiklo na binansagan nyang “Browny.”

Ayon sa Team Payaman Moto Club Vice Chairman, nakakita siya ng European-style na upgrade na maaring bumagay sa kanyang KYMCO AK 550.  

Agad itong naghanap sa mga Facebook group nang maaring gumagawa ng belt-to-chain conversion at natagpuan nito si Jay Vallada.

Ayon kay Boss Jay, mataas na ang milleage ng motor ni Mentos base sa belt nito kaya kailangan na ring mag upgrade.

Habang nagpapaayos ng motor ay inabutan ito ng isa sa kanyang malalapit na kaibigan na si Boss Keng.

Labis na namangha si Boss Keng sa chain upgrade ni Mentos kay Browny at tila bahagyang nainggit. Ngunit ayon ay Boss Keng, hindi aniya sya papayagan ng kanyang misis na gumastos ng malaki para sa motor.

“Ganda talaga, idol! Bumilis ba siya? Congrats, pards! Sana all!” pagbati Boss Keng kay Mentos. 

“‘Di ako papayagan ng asawa ko gumastos ng ganon!” dagdag pa nito.

Surprise gift

Nang umalis si Boss Keng ng bahay, naisipan ni Mentos na surpresahin ang kaibigan ng isang malupit na chain upgrade sa motor nito. 

“Sosorpresahin natin! Pagbalik niya naka-chain na rn siya,” ani Mentos. 

“Ayan Boss Keng, hindi ka na maiinggit. Alam ko talagang gusto mong magpa chain, ito na yun! Ito na yung regalo ko sayo, kumbaga parang pa-thank you ko sa lahat ng ginawa mo rin para sa’kin,” dagdag pa nito. 

Samantala, habang nagku-kwentuhan sa garahe kinabukasan, muling ibinida ni Mentos ang kanyang bagong chain at tila inuudyukan pa si Boss Keng na mag upgrade na rin ang kanyang motor. 

Pero laking gulat nito nang silipin ang motor na may bago nang chain.

“Ikaw nagpalagay nyan? Kelan mo pinalagay, kahapon?” gulat na reaksyon ni Boss Keng.

Agad naman tinest drive ni Boss Keng ang kanyang bagong upgrade na motorsiklo. 

“Panalo ‘to, idol! Walang biro, Kel, ang gaan nya! Sobrang responsive,” ani Boss Keng. 

“Thank you, pards! Mabuhay ka talaga!” dagdag pa nito.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.