Viral na naman ngayon sa social media ang pinakabagong vlog ni Cong TV kalakip ang ad commercial na ginawa nito para sa Maya Philippines.
Umani ng iba’t-ibang reaksyon at papuri ang nasabing vlog na agad ding tumabo ng 1.5 million views sa YouTube sa loob ng isang araw.
Cong Loves Maya
Bungad ng BANGIWAN vlog ni Cong TV ang isang kakaibang ad na inihanda nito para sa kanyang partner brand na Maya Philippines.
Sa una’y tila isang normal na vlog lang ang hatid ng 31-anyos na content creator, ngunit labis na namangha ang mga manonood nang mapagtanto na ang unang parte ng video ay isa palang ad commercial para sa Maya.
Dito ibinida ng Team Payaman Moto Club ang mga benepisyo sa pagkakaroon ng Maya account gaya ng high interest rates, gamit pambayad kahit saan, personalized username sa card, at 10% per anum interest rate daily.
Layunin ng nasabing ad commercial na maipakita na kayang solusyunan ng Maya ang mga suliranin ng mga Pilipino pagdating sa kani-kanilang financial needs.
Bukod sa acting ng TP Wild Dogs at malupit na editing, isa rin sa mga ikinatuwa ng netizens ang pakikiisa nina Pat Velasquez-Gaspar, Vien Iligan-Velasquez, at Viy Cortez sa nasabing commercial.
Netizens’ Reaction
Patuloy ngayon na pinupuri ang kakaibang likha ni Cong TV para sa kanyang partner brand kasama ang iba pang Team Payaman member.
Clark Angelo Manansala: “Ang lupet nung pagkakagawa ng sponsorship video sa unang part. Kudos sa lahat ng effort ng mga editor, cameraman, at pati sa mga actors. Ganda rin ng flow ng story! Lupettt!!!”
Moja-Moja: “Iba talaga ang editing skills at storyline ng mga video mo bossing at eph. Team Payaman, the best talaga!”
Mae Tarnate: “Super astig tlga ng editor at cameraman ni sir boss cong .. pati ung mga actors.. d nakaksawa panuorin ang mga vlog!”
MACAZO, MELANIE CARMELA M.: “Made my day na talaga to, ingat always sa rides niyo kuya cong!”
Jeo MV: “iba talaga level ng creativity ng isang Cong TV. isa kayong insipirasyon sa lahat ng tropahan ito ang Squad Goals apir!”
Watch the full vlog below: