Bukod sa vlogging, active na rin ngayon ang ilang Team Payaman Moto Club members sa paggawa ng short videos sa social media upang ibahagi ang kanilang riding journey.
Isa na riyan si TP member at singer-songwriter Awi Columna na sinimulan ang kanyang “Pinayagan ni Misis” serye sa kanyang official Facebook page.
Sa kanyang Facebook video, ibinahagi ni Awi Columna ang ilang kaganapan sa nagdaang Bataan ride ng Team Payaman Moto Club kasama ang grupong Y Kulba.
Biro nito, inagahan nila ang alis upang hindi na sila mapigilan ng kani-kanilang mga misis sa pagmomotorsiklo.
Matapos mag stop over para mananghalian, nagpahinga muna ang TP riders ng higit dalawang oras sa harap ng maaliwalas na ilog bago tuluyang magtungo sa Bagac, Bataan.
Labis na namangha ang si Awi nang makita nito ang magandang tanawin sa Bataan.
“Matapos ang hirap, uhaw, init, at pagod, ito ang ipinakita sa amin ng Bataan,” pagbabahagi nito.
“Umpisa pa lang ‘to. Alam ko na marami kaming mapupuntahan gamit ang dalawang gulong. Masaya ang mag-motor. Pero ang mag-ride kasama ang mga matatalik mong kaibigan, wala nang mas hihigit pa ‘don!” dagdag pa nito.
Sinimulan ni Awi Columna ang pagdo-dokumento ng kanilang mga riding moments sa Facebook na naglalayong ibahagi ang mga kaganapan sa bawat biyahe ng TP Moto Club sa loob ng limang minuto.
Una nitong ibinahagi ang kanilang Tagaytay ride na kung saan ipinakilala nito ang Kristine Bulalo na madalas aniya nilang puntahan sa madaling araw.
Sa nasabing serye ipinapakita rin ni Awi ang isa sa mga pangunahin suliranin ng bawat TP Moto Club members, ang pagpapaalam sa kanilang mga maybahay.
Para payagan sa kanilang Bataan ride, sinuhulan muna ng masarap na pizza ni Awi ang kanyang misis na agad din naman niyang napa-oo.
“Sarap, babe? Bukas babe, Bataan? Broom broom!”
Samahan natin si Awi sa kanyang mga susunod na #PinayaganNiMisis episodes:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.