Likas na talaga sa atin ang pagkakaroon ng kabutihang loob para sa mga taong tunay na nangangailangan. Ito ang ipinamalas na katangian kamakailan lang ni Steve Wijayawickrama ng Team Payaman.
Sa bagong vlog na mapapanood sa YouTube channel ni Steve, ikinasa niya ang isang auction kung saan tampok ang pinakalumang t-shirt na pagmamay-ari ni Cong TV.
Hindi lang ito basta-basta damit dahil ito lang naman ang isa sa pinaka-unang Cong Clothing merch ng batikang vlogger na itinago niya mula pa noong 2015.
Layunin ni Stevele na makakalap ng malaking halaga upang i-donate sa isang charity para sa mga kababayan nating nakikipaglaban sa sakit na cancer.
Isang malaking pagkakataon ang nakita ni Steve sa naganap na Team Payaman Fair noong Marso upang isakatuparan ang kanyang adbokasiya.
Oplan Singil Bente kada Picture, Autograph at Shout Out. Ito ang unang ideya na naisip ni Steve upang makalikom ng salapi. Sa ganitong paraan, napagtanto ng Sri Lankan vlogger na maaari siyang makaipon ng sampung libo para sa charity.
Ngunit, hindi naging madali ang ganitong sistema dahil hindi niya matiis ang mainit na pagtanggap ng mga taong sumusuporta sa kanya. Kaya naman, maraming kuha ang nasayang.
“Napansin ko maraming tao, tapos biglang nagpapapicture tapos alis. So naisip ko, what if sabihin ko sa kanila na payment first, picture kung ano man yun. Yung iniipon natin, hindi para sa atin,” paliwanag ni Steve.
“Out of 10 people na nagpapapicture sa akin, isa lang dun yung naghuhulog. Ako lang yung nakikita nila, hindi nila nakikita yung banner sa paligid ko, yung nakasulat. Nothing,” dagdag pa nito.
Kaya naman agad na nakaisip ng solusyon si Steve sa problemang ito. Bumili siya ng illustration board na mas nakapukaw ng atensiyon ng mga taong bumisita sa kanyang booth.
The Bidders
Isa rin sa naisip na paraan ni Steve para makalikom ng salaping ibibigay sa charity ay ang pagpapa subasta ng damit ni Cong TV.
Isa sa mga unang nag-bid para mabili ang t-shirt na puno ng pirma ng Team Payaman members ay ang Team Payaman fan at vlogger din na si Rey Selibio na nagbukas ng bidding sa halagang singkwenta pesos. Sinundan pa ito ng ibang bidder na umabot sa libo-libong piso.
Hindi rin nagpahuli ang social media influencer at singer na si Matthaios na nag-bid ng halagang P1,100. Sinundan ito ni Betong na tumaya ng P2,000 at maging ang Boss Vape Philippines owner na nag-bid ng P2,500.
Sa ikalawang araw ng TP Fair, tila umayon kay Steve ang pagkakataon dahil nakasalamuha niya ang mga taong walang pasubaling nagbigay upang makakain at makatulong sa adbokasiya na isinusulong niya.
Isa na sa mga ito ay ang kapwa Team Payaman vlogger niyang si Boss Keng na nagbigay ng P5,000! Nakiisa rin dito ang rapper na si Flow G at ang nobya nitong si Angelica Jane Yap, a.k.a Pastillas Girl.
Samantala, umabot naman ng higit P30,000 ang naging final bid sa nasabing t-shirt ni Cong TV na tinapatan namang doblehin ng VIYLine CEO na si Viy Cortez.
Sa huli, tumatanginting na P171,464.55 ang nalikom na pera ni Steve para sa mga cancer patients.
Watch the full vlog below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.