Congpound Fur Babies: Dudut and Burong Face Dilemma on New Pet

Awat muna sa usapang motor dahil hatid ngayon ng Team Payaman Wild Dogs ang ilan sa mga tips and tricks bilang fur parents.

Isang pagsubok ang kinaharap ng pet owners na sina Jaime de Guzman, a.k.a Dudut at Aaron Macacua, a.k.a Burong, matapos hindi magkasundo ang asong si Bruno at bagong alagang pusa na si Kathy.

Bruno’s New Fur Housemate

Sa bagong vlog ni Dudut, ipinakilala nito ang bagong alaga ng kaibigang si Burong na maninirahan sa rin loob ng Content Creator House.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon ng alagang French Bulldog ang mag-nobyong Dudut at Clouie Dims na kanilang pinangalanang Bruno.

Sinubukan nina Dudut at Burong ang ilan sa mga tips kung paano magkakasundo ang kanilang mga alagang aso at pusa. 

Sa unang pagkikita nina Bruno at Kathy, naging agresibo agad si Bruno na agad namang naagapan ni Dudut.

Nang hindi magkasundo sa unang pagkakataon, sunod na sinubukan ni Dudut ang kanyang ipinagmamalaking Suwahadel Teknik, kung saan ibinalot ang pusa sa tela na animoy sanggol. 

“Lolokohin natin si Kathy, ilalagay natin sa utak n’ya na tatay n’ya si Bruno,” ani Dudut.

Sa kasamaang palad, hindi nagtagumpay ang nasabing technique ni Dudut kung kaya ang ideya naman ni Burong ang kanilang sinubukan. 

Call a Friend

Minabuti nina Dudut at Burong na subukang humingi ng payo mula kay Lestreza Panta, a.k.a. The Pinoy Dog Whisperer.

Kilala ang The Pinoy Dog Whisperer bilang isa sa mga magagaling na dog behavior expert sa bansa na nagsisilbing gabay sa mga pet owners.

“Bukas ng umaga o mamaya, ilakad mo ‘yang cute mong asong busangot. Tapos utusan mo si Burong. Alam ba ni Burong yung flirt pole?” tanong ng dog whisperer.

Abiso pa nito: “Habang nilalakad mo yung aso mo, yung pusa n’ya, laruin n’ya ng ganon, para pag nag-meet sila parehas silang pagod, sabay silang matutulog, walang sampalang mangyayari!” 

Ano kaya ang susunod na mangyayari kina Bruno at Kathy? 

Watch the full vlog below

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

4 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

7 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 weeks ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 weeks ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 weeks ago

This website uses cookies.