Muling nagbabalik ang OG Team Payaman content creator na si Pau Sepagan, a.k.a Roger Raker, matapos ang pagpapahinga nito sa pag-uupload ng mga YouTube videos.
Ipinaliwanag nito ang ilan sa mga rason kung bakit pansamantalang nawala sa mundo ng vlogging at content creation.
Muling binuhay ni Roger Raker ang kaniyang YouTube channel matapos itong tumigil sa pag-uupload ng higit isang taon.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Roger ang kanyang mga pinagka-abalahan habang ito ay busy sa kanyang buhay sa labas ng YouTube.
“Alam n’yo guys simula noong tumigil ako sa pagva-vlog, ginagawa ko most of the time is number one, basketball. Sobrang halaga sa akin ng basketball kasi kailangan ko talaga ng daily activities, kailangan kong ma-maintain yung weight ko,” paliwanag nito.
Nabanggit din ni Roger na isa ang basketball sa kanyang paraan upang makihalubilo sa iba’t-ibang tao kapag naglalaro.
Dagdag pa nito, isa ang paglalaro sa basketball sa nakakatulong upang mapanatili ang pisikal at mental na pangkalusugan nito.
Isa sa mga madalas na nakakalaro ni Roger ay ang Tier One Entertainment Co-Founder na si Tryke Gutierrez na gaya niya ay isa ring basketball fan.
Laking tuwa ni Tryke nang makitang muling bumalik sa vlogging ang malapit nitong kaibigan.
“Alam n’yo kasi si Pau Sepagan parang leap year ‘yan eh. Every four years lang lumalabas. Leap year ba ngayon?” birong tanong nito.
Sagot naman ni Pau: “Hindi boss. Eto na ‘yun, vlogger na [ulit] ako!” sagot nito.
Inulan naman ng pagbati si Pau Sepagan matapos ang dalawang magkasunod na upload sa YouTube.
Una na itong binati ng mga malalapit na kasamahan sa Team Payaman na kanya pang binisita sa Congpound.
Mentos: “Ginugulat mo ako par ah! Vlogger ka na ulit tol? Welcome to the world pre, wine-welcome kita.”
Boss Keng: “Sana tuloy tuloy na. Mag-upload ka ngayon pre ‘tas next year na ulit [yung susunod].”
Ikinatuwa rin ng kanyang mga manonood ang pagbabalik vlogging ni Pau Sepagan.
Edgie Ace Pojadas: “I just wanted to take a moment to express my sincere appreciation for all the amazing content you’ve created over the years. Your videos have been a source of inspiration and entertainment for me ever since I started following your channel, and I’ve always admired your talent and dedication as a vlogger.”
ynnej ojor: “COMEBACK IS REAL NA TALAGA LET’S GO YESSIR MGA KAIBIGAN”
Mary lyn: “AHHH TOTOO NGA YUNG COMEBACK. hahahah may trust issue na kami rogerraker. HAHAHA”
Akagami Sam.14: “9:42 yung sabay na tawa,alam mong genuine eh! Welcome back boss pau.may aabangan na ulit na vlog kasama ang team payaman.”
Watch the full vlog below:
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…
This website uses cookies.