Daddy Louie Nimedez Takes Viewers to North Ride Road Trip

Bago pa man magkaroon ng Team Payama Moto Club, isa na si Daddy Louie Nimedez sa naunang moto vlogger ng Team Payaman. 

Sa kanyang bagong vlog, muling sinama ng ama ng yumaong Team Payaman vlogger na si Emman Nimedez ang kanyang mga manonood sa isang biyahe. 

North Road Trip

Bago tuluyang sumabak sa mahabang ride, una munang pina carwash ni Daddy Louie ang kanyang motorsiklo na binansagan niyang “Pogi.”

“So dito na ako magpapa-abot ng ride out namin, kasi nga medyo merong check up konti kay Pogi bago umalis,” paliwanag ni Daddy Louie.

Kasama ang mga ka-grupo sa One Build Kuztim o OBK, bumiyahe ang ama ni Emman ng ilang oras patungong Mariveles, Bataan.

Sunod namang tinungo ng grupo ng riders ang Bagac, Bataan, kung saan inabutan nila ang pagdiriwang ng fiesta sa lalawigan ng San Isidro.

“So naki-fiesta kami, kain kain. So balik na kami ngayon doon sa may dagat.”

Matapos maki-fiesta, dumiresto naman sila sa Bangusan Beach kung saan nagpalipas ng gabi ang grupo bitbit ang kani-kanilang tent na tutulugan.

Kinabukasan ay nagtampisaw naman ang mga ito sa dagat at nag island hopping kasama ang buong tropa. 

“So ayun nga mga bok, yung mga kasama namin pumunta sa loob ng kweba, naglipadan ang mga paniki!” kwento ni Daddy Louie. 

Hindi na aniya ito nakasama dahil hiningal na agad sa pagbaba pa lang ng bangka. 

“Ang ganda dito, yun lang talagang napasubo kami ni Pareng Arman! Pero ang sarap ng feel kasama ang OBK family,” dagdag pa nito. 

Makalipas ang ilang oras na pag-eenjoy sa dagat,  sama-samang naghanda ng kanilang hapunan ang grupo at masayang nagsalo salo. 

Kinabukasan, bumiyahe ulit ang OBK family ni Daddy Louie pabalik ng Maynila.  

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

3 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

3 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

5 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

5 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

5 days ago

This website uses cookies.